PAGKAPASOK ko ng kuwarto, agad akong sumalampak sa kama. Hinagis ko kung saan 'yung red sandals at shawl ko. Buong biyahe ko, hawak-hawak ko pa rin 'yung papel na binigay sa akin ni Seth. Medyo nag-fade na 'yung letters kasi nabasa siya ng pawis sa palad ko.
Hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina. "Did he just kiss me... after all I did to him?" Baliw na akong kinakausap ang sarili ko. Ginawan ko siya ng masama. Muntik na siyang makulong ng ilang taon dahil sa kagagawan ko. Pero 'yung pagkikita namin kanina—parang wala lang lahat 'yon sa kanya.
I like his attitude. He's very forgiving. He understands me... and he still wants to help, despite everything that happened.
Nakatingala lang ako sa kisame nang biglang nag-vibrate ang iPhone ko. Umayos ako ng higa para abutin ito sa dulo ng kama.
From: CEO-Sandro
I sent you a gift. Have you had a chance to see it in your room?
F*ck! Si Sandro ba 'to?!
"Why is he still awake? At bakit siya biglang nagreregalo? Ilang buwan kaming walang usap—bakit ngayon siya nagpaparamdam?"
Ang weird niya. Parang si Seth!
Napabangon tuloy ako at naghanap ng regalo sa paligid. Dahil sobrang laki ng kuwarto—parang isang buong bahay—medyo nahirapan ako. Pinuntahan ko ang shower room, balcony, dressing room, mini kitchen... at sa huli, music room.
Napaatras ako nang makita ko sa harapan ko ang isang giant painting.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sobrang halo-halong emosyon. "Bakit ito ang regalo niya? This is too much... para sa isang ex-girlfriend!"
At ang sakit lang. Ang sentimental pa ng napili niyang subject.
Naka-school uniform ako sa painting. Siguro mga ten years old lang ako n'un. Yakap-yakap ko si Daddy, at pareho kaming may ngiting tagumpay. Top 2 kasi ako sa buong section.
Lumapit pa ako at hinawakan ang painting. Makikita mong rare pigments ang ginamit. May kasamang gold leaf pa. Mahal 'to. Hindi 'to basta-bastang artwork.
Saan niya nakuha ang larawang ginamit dito? Siya kaya ang nag-paint nito?
Naalala kong sinabi ng nanay niya na painter si Sandro—kaya raw siya nagustuhan ni Daddy noon. Pero... ganito kagaling?! 'Yung ganitong painting, ilang linggo o buwan ang kailangan. Mas malaki pa sa tao ang laki nito!
Para akong nawala sa sarili ko dahil tumawag na lang ako bigla sa kanya. Tinawagan ko siya. Sinagot niya agad.
"Onalisa," he sounded weak.
"Why did you send me a gift? Hindi naman birthday ko. Saka ex tayo, 'di ba?"
"Matagal ko na 'yang ginawa. Gusto ko lang maibigay sa'yo."
Ah. So matagal na pala ito. Siguro sinusubukan niya na ring mag-move on. Kaya ibinabalik niya ang mga memories. Pero ang sakit lang sa part ko. Paano ako makaka-move on kung may ganito akong painting na gawa niya?
Unfair, 'di ba?
Pero... hindi ko rin kayang itapon. Ang ganda eh. Sobrang mahal ang value nito, especially knowing siya mismo ang gumawa.
What if ibenta ko na lang ito sa art gallery? Pero kailangan ng permission ng painter.
Kaya ko ba 'yon?
Mahal ko pa rin si Sandro. Ito ang best gift na natanggap ko mula sa kanya. Pero... mas mahalaga ang pera ngayon!
Sinabunutan ko ang sarili ko. Ang gulo! Ibebenta ko ba 'to o hindi?
BINABASA MO ANG
Onalisa's Fate
RomanceOnalisa's Fate [Edited 2025] Onalisa Gwen's life seemed perfect. Born into wealth, loved by her family, and set to inherit her grandfather Chairman Alfonso Gwen's empire-she was everything the world expected. But everything changes when the red stri...
