NAPAPALIGIRAN ako ng maraming bodyguards sa labas ng kuwarto para hindi ako makalabas. Pati ang bintana, may kandado rin. Feeling ko tuloy, isa akong sosyal na prisoner. Malaki kasi ang kuwartong ito—may sariling pool, music room, library, at mini cinema. Pero simula nang pumasok ako rito, wala na akong ginawa kundi humiga sa kama.
May dalawang maid din na nakatayo sa gilid ko. But I asked them to turn around because I'm not comfortable kapag may nakatitig sa akin. Para tuloy silang mga robot—walang kibuan.
Nasasakal na ako! Gosh!
Yumakap ako nang mahigpit sa unan habang nakatingala sa chandelier. Ilang oras na rin akong tulala sa mga nangyayari.
Dahil sa akin, dalawang buhay ang puwedeng mawala. It's either si Seth o si Sandro.
Kapag hindi pinatay ni Sandro si Seth, baka siya ang ipapatay ni Lolo Alfonso. And for sure, isusunod rin ni Lolo si Seth. Kaya pareho lang din.
Pero kung si Seth ang papatayin ni Sandro, maliligtas naman si Sandro. Pero magiging sunud-sunuran na lang siya kay Lolo—gagawa ng mas maraming kasamaan.
Well, maliban na lang kung hindi niya sasabihin kay Lolo na si Seth ang red string ko. I think may pag-asa pang masolusyunan ito.
But I doubt Seth would die here. No one can kill him. Feeling ko nga ito na ang magiging reason kung bakit niya papatayin si Lolo Alfonso—dahil gusto siyang ipapatay. And if that happens... parang ayoko na rin siyang pigilan.
Napakasama ng Lolo ko.
Ang hindi ko lang ma-gets, bakit pati company namin gusto niyang pabagsakin? At saka, anong kakayahan niya para gawin 'yon?
"Ma'am, pinatatawag ka po ni Sir Sandro para maghapunan. Tinanong po niya kung gusto mo raw sumabay." Hindi ko pinansin si Maria na bagong pasok lang. Inirapan ko lang siya.
Kada tatlong oras, pumapasok siya rito para i-check ako. Minsan may sinasabi, madalas wala. For sure, ina-update lang nila si Sandro kung humihinga pa ba ako. "Ma'am, kung ayaw mo pong bumaba, dadalhin ko na lang po rito ang pagkain."
Hindi ako umimik.
After a few minutes, bumalik si Maria—hila-hila ang isang cart. Nakakatukso ang amoy ng ulam. Maging ang kanin, umuusok sa init. At para layuan ako ng tukso, itinapon ko agad sa basurahan ang tray pagkaalis niya.
Tuwing meryenda, dinner, at breakfast—ganoon lagi ang ginagawa ko. Wala pa akong kinakain mula nang dinala ako rito.
Saktong alas-sais y media, may kumatok ulit. Nagulat ako—si Sandro na ang pumasok. May dalang dalawang tray.
Pinunasan ko ng comforter ang mukha ko. Sana hindi niya napansin na umiyak ako.
"Thank you for looking after my fiancée. You both can go back to your rooms now." Umalis na ang dalawang maids na parang robot.
Umupo si Sandro sa gilid ko at idinikit ang palad sa noo ko. Tapos 'yung isa niyang kamay, sa noo niya naman. Para bang kinukumpara niya kung sino ang may lagnat.
"You appear unwell, wifey."
Niluwagan niya ang necktie niya bago nagsalita ulit. "Chairman and Eloisa are in Canada. Next month, Chairman will come back alone para tulungan tayo mag-prepare for our wedding."
Mukhang sinamahan ni Lolo si Eloisa mag-enroll sa university at maghanap ng mapapangasawa. Paborito talaga. Pero mas okay na rin—sana hindi na siya bumalik.
"Wifey, please kumain ka na. Huwag na nating hintaying makarating pa ito kay Chairman. Mas mahihirapan tayo kapag siya na ang nandito."
"Kakain lang ako kapag kinansel na ang kasal."
Napahawak siya sa ulo niya na parang sobrang sakit. "Magpakasal lang tayo sa papel. Kung ayaw mong magsama tayo o mag-sex, okay lang. Naiintindihan kita. Pero kailangan nating maikasal. Para ma-claim mo na yung pamana ni CEO. At magawa ko na yung dapat kong gawin..."
"I will never marry a man who will kill my red string."
Kumunot ang noo niya. "Anong pinagsasabi mo?"
"Huwag ka nang magpanggap! Alam kong plano mong patayin si Seth. O baka nga... baka nga napatay mo na siya!" Sunod-sunod na ang luha ko. Ito talaga ang dahilan kung bakit pinipilit kong huwag kumain. "Please, sabihin mo sa akin... buhay pa ba si Seth Ventura? K-kasi... alam mong siya ang red string ko..."
Hinawakan niya ang kamay ko. "He is alive, Onalisa. I will never hurt him. Please... eat your food now. I will give you proof if that's what you want."
Tumango ako habang umiiyak at saka kumain. Lasang-lasa ko ang alat ng luha ko.
Oo, tinanggap ko na. Ikakasal ako kay Sandro—kahit alam kong eventually maghihiwalay din kami. Ang kinatatakutan ko lang ay baka tuluyan siyang maging masama dahil kay Lolo. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang patawarin kung pumatay siya ng inosente. Dahil sa kasalang ito... baka maging evil siya. I never want that to happen.
"Hindi ko mahal si Seth... hindi tulad ng pagmamahal ko sa'yo. Pero mabuti siyang tao. Maraming pamilyang umaasa sa kanya. Kapag nawala siya, masisira ang buhay nila."
Niyakap ako ni Sandro at isinubsob ko ang mukha ko sa chest niya habang umiiyak. "Mapagpatawad siyang tao. Ginawan ko siya ng masama noon, pero pinatawad niya ako. Hindi man lang ako sinigawan." Naalala ko nung na-frame up ko siya. Nang malaman niyang ako ang may gawa, ang sabi lang niya, naiintindihan niya ako. Tapos umalis siya.
"Sandro... oo, siya ang ka-red string ko. Pero hinding-hindi niya kayang saktan si Lolo Alfonso, pati ang company natin."
Tumango siya at hinaplos ang mahaba kong buhok. "Pangako, hanggang sa kamatayan ko, hindi ko siya sasaktan. Kailanman," aniya.
Ngayon ko lang siya narinig mag-promise ng ganito. Siya pa naman 'yung taong bihirang mangako. Kaya sobrang nakakagulat nung sinabi niyang hanggang kamatayan niya, hindi niya sasaktan si Seth.
Sobrang laki ng tiwala ko sa lalaking ito.
Tumango ako, at hindi ko namalayan—hinalikan ko na pala siya. Lumalim pa ang halik namin—parang nasa hotel lang. Yung kamay niya, pumasok na sa loob ng damit ko. Sobrang sabik ako sa bawat haplos niya. Maging ang kamay ko, umabot na sa kanyang pants. Gusto ko sanang buksan iyon, pero pinigilan niya ako.
"It's better to do this after marriage." Mapang-asar ang ngiti niya.
Gusto ko sana siyang suntukin sa inis. Lagi na lang akong nabibitin.
"Fine." I rolled my eyes at yung loko, natawa lang.
BINABASA MO ANG
Onalisa's Fate
RomanceOnalisa's Fate [Edited 2025] Onalisa Gwen's life seemed perfect. Born into wealth, loved by her family, and set to inherit her grandfather Chairman Alfonso Gwen's empire-she was everything the world expected. But everything changes when the red stri...
