Chapter XXXII

75 12 11
                                        

MAARAW na nang magising ako sa tabi ni Seth. Kumakalam na rin ang sikmura ko. Ngayon na namin isasakatuparan ang unang plano. Kinakabahan ako sa posibleng consequences. What if hindi lang siya matanggal sa trabaho? What if putulan na rin siya ng kamay?

Siya na rin ang nagsabi—ex-convict daw ang ilan sa mga tauhan ni Lolo Alfonso. Kaya pala wala silang takot!

Sobrang risky. Gosh! Tinitigan ko lang ang makinis niyang mukha hanggang sa magising siya.

"First night pala natin ngayon? Ang sarap sa feeling," bulong niya, sabay ngiti.

I rolled my eyes. "Gago ka talaga!" Pinagsisipa ko siya kaya napilitan siyang lumayo ng bahagya.

"Paano 'yan kapag tumira ka na sa lugar namin? Araw-araw na tayong magkatabi sa pagtulog."

'Yon nga ang usapan—magpapanggap akong asawa niya para tanggapin ako ng pamilya niya. Totoong magsasama kami. Pero walang kasunduan na kailangang mahalin ko siya.

Nag-almusal kami ni Seth ng tinapay habang nagkukuwentuhan tungkol sa kung anu-ano. We laughed, we teased, even cried. Ewan. Parang kung ano-ano na lang para lang maubos ang oras.

"Sigurado ka ba, Seth? Isasakripisyo mo ang career at future love life mo para sa akin?" tanong ko habang humihigop ng kape.

"Maghahanap ako ng I.T. company sa Pangasinan," sagot niya, parang hindi big deal.

"Paano ka magkaka-love life kung alam ng lahat na kasal tayo? Gusto mo ba, ipalabas na lang nating na-divorce na tayo after a few months para malaya ka na?"

"Hindi kita puwedeng iwanan, Onalisa."

"Paano na ang magiging buhay mo?"

"Hangga't kasama kita, baka naman magustuhan mo rin ako. 'Di ba?"

"Nahihibang ka na ba? Alam mong si Sandro ang mahal ko..."

"Pero nag-promise kang hindi ka na magpapakita sa kanya. Hindi ka naman siguro papayag na tumanda ng dalaga. Just give it a try. Hindi kita pipilitin, pero sana huwag mong isarado agad ang puso mo."

Napasabunot ako sa buhok ko. Nakakastress sobra.

Pagbaba namin sa may treehouse, napapikit ako dahil sa tindi ng sikat ng araw. Ang init! Paano ba ako makakapag-concentrate nito?

Kailan ba magkakaroon ng aircon sa labas, please lang?

"Ona, start na."

"Yeah, yeah..." Nanginginig kong dine-dial ang number ni Sandro. Wala pang tatlong segundo, sinagot agad.

"Wifey, good morning."

Napapikit ako. Damn. Eto na naman siya. Masyadong maganda ang timbre ng boses niya.

"Ikaw ba ang naglagay ng higaan ko sa treehouse kahapon?"

"Ahm, yes. Binantayan kita. Hindi ka umuwi sa kwarto mo kagabi. What happened, wifey?"

Huminga ako nang malalim. "Puwede ba tayong mag-usap? May mahalaga akong sasabihin. And magdala ka na rin ng food and water. Gutom na ako."

"Sure. But you didn't answer my—"

I ended the call.

Bahala ka, Sandro. Hindi kita tatawagan para lang makipag-chikahan. Ang mahalaga, magkita tayo ngayon. Magsisimula na ang unang plano.

"Sigurado ka bang hindi ka magba-backout?" tanong ni Seth habang hawak ang balikat ko.

Inalis ko ang kamay niya at ipinagsalikop namin ang mga daliri. Nagulat siya. But this is part of the plan.

Onalisa's FateMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon