Chapter 29 [Part 3] - Firsts

151K 1.5K 467
                                    

[Luigi's POV]

5 months.

5 months ng buntis si Nicole bago ko pa nalaman na buntis sya.

Kaya pala bigla na lang syang nagbago. Pasumpong-sumpong ang paglalambing at pakikipaghiwalay sa akin. Andon na hindi daw ako karapat-dapat sa kanya.

Ngayon nagbalik sya sa Pilipinas kasama ang bata.

Hindi kwenstyon ang pagmamahal.

Dahil kung pagmamahal lang, may mahal na akong iba. Ganito din ba yun? Hindi din ba ako karapat-dapat sayo Laureen? Gaya ng sinasabi ni Nicole sa akin dati. Mas sasaya ka ba kay Billy?

Nagmamaneho ako papuntang park.

Papunta sa paborito naming park ni Nicole dati.

Di ko alam basta ko na lang gusting sumilip ulit sa lugar na iyon.

May espesyal na lugar sa puso ko si Nicole. Dahil kay Nicole ko unang naramdaman ang lahat. Sobrang saya, sobrang lungkot, pag-aalala, pagigigng protective.

Kaya ko na bang harapin ka Nicole?

-----------------------------------------------------------------------------------

Hindi pa rin nagbabago ang lugar na ito. Bukod sa dumagdag na mga benches at makukulay na bulaklak.

Ganon pa din ito. Madaming nagbibisikleta.

May lumalakad habang ngumangata ng ice cream.

May mga batang naghahabulan.

May mga nagpi-picnic.

May isang grupo ng mga estudyante na nagpa-practice ng sayaw. Magkakaparehas ang mga ito.

Sayaw.

Naalala ko si Laureen.

Naglakad pa ako at nakita ang manong na nagtitinda ng mangga at singkamas. Andito pa din pala sya. Lumapit ako para bumati pero napatigil ako.

Mangga.

Laureen.

Aissssshhhhh.

Tumingin na lang ako sa malayo at nakakita ng nagtitinda ng siomai.

Siomai.

Laureen.

Ginulo ko ang buhok ko  at pagkatapos ay tumingin sa mas malayong bahagi ng park.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon