Chapter 6 [Part 1] - First Week Funk

227K 1.4K 65
                                    

[Charmie's POV]


Bruhang Laureen. Di man lang ako kinukwentuhan tungkol sa nangyari sa horseback-riding experience nya. Panay 'OK lang naman. Tsaka na.' ang sinasabi. Saka na lang daw ang details pag nagkita kami.

Hinihingian ko ng photos, kahit MMS na lang sana nya sa akin eh, wala naman daw sya kopya. Bruhilda talaga. Anong silbi ng i-phone nya nung araw na yun. Hehe

One week na kami di nagkikita after non. Busy din kasi ako sa family gatherings dahil nga umuwi ang dalawa kong kuya. Kung saan-saan kami nagpupu-punta ng pamilya ko.

  

Nakapagusap naman kami kagabi ni Laureen sa phone:

  

"Ano na, magkwento ka na, masaya ba? Nakakatakot ba mag-horse back-riding?", syempre kinukulit ko pa din sya.

  

"Kulit bes! Pag nagkita na nga lang tayo", sabi ni Laureen.

  

"Tagal pa eh. Pa-suspense pa kasi, kainis ka!", sabi ko sa kanya.

  

"Grabe, matutulog ka na lang ng ilang oras bes oh, tapos magkikita na tayo sa school bukas! Matagal pa yan sayo?", pinaninindigan nya talaga na pag-nagkita na lang kami.

"Ang arte-arte! Marunong na talaga umarte! Bukas ka lang sakin, uunatin ko talaga yang buhok mo!", sabi ko sa kanya.

  

"Haha. I love you bes", naglambing na lang ang bruha sa akin.

  

"I hate you", sabi ko ng pabiro. Nakakatampo kasi eh, pero konti lang naman.

"May binili ako para sa'yo", malambing pa din ang boses ng bruha.

  

"Ayoko nyan", sabi ko.

  

"Sige, bibigay ko na lang kay Julia 'to", natatawa sya sa kabilang linya.

 "Waaaah! Wag beeeesss! Hahaha", ako naman ang naglambing. Parang alam ko na kung ano yung tinutukoy nyang binili nya para sa akin.

  

Red na wallet. Coach. Gustong-gusto ko talaga yun. Parehas namin gusto ni Julia yun. Classmate namin si Julia. Nung binanggit nya ang pangalan ni Julia, parang bumilis ang tibok ng puso ko kasi tanging yung bagay lang naman na 'yon ang talagang pinagiinteresan namin parehas ni Julia.

Kaya lang laging hindi available pag pini-purchase ko online. Nung nagpunta ako ng Singapore hindi ko din nakita yung wallet na yun sa mga stores ng Coach doon.

"Sabi mo ayaw mo nito", nagkukunwaring nagtatampo ang Laureen. Maldita din gaya ko. Haha

"Hehe. I love you bes! Yehey! Finally!", natutuwa kong sabi.

  

"Oh bakit tuwang-tuwa ka na jan, eh hindi mo pa naman nakikita kung ano 'to", tumatawa nyang sabi.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon