Chapter 2 [Part 3] - Small World

226K 1.6K 91
                                    

Laureens’ POV

“Luigi?”, I asked again.

“Yes apo Luigi. How is he? Did he hurt himself?”

Natulala ako at hindi nakapagsalita sa sinabi ni Lolo. Kilala nya tong si Luigi?

“Apo? Are you with him? I want to talk to him.”

“Yeah, Lo. Saglit lang po”. Inabot ko kay Luigi ang cellphone ko. 

“Kakausapin ka ng lolo ko”.

Kinuha nya ang cellphone ko at nagsimulang magsalita. Hindi ko naririnig ang mga sinasabi ni Lolo, ang naririnig ko lang ay yung mga sinasagot ni Luigi.

“Hello, ok naman po ako. You need not worry. Medyo may pilay lang po ata. But Im’ good…still able”, tumawa sya.

Ang cute nito pag tumatawa. Lumiliit ang mga mata nya.

“Opo. Kaya wag na. Nakakahiya naman po. Kaya ko naman po”, he continued, pinipilit nya si Lolo na wag na daw. Kung ano man yun, hindi ko alam.

“Ahhhmm, teka lang po”, inabot nya sa akin ang cellphone ko na nakakunot ang noo.

 "Hello Lolo".

“Laureen apo, please drive him home”.

“What?”

“He can’t drive, his arm was injured, plus he can't move his leg comfortably yet. Isa pa nakakahiya naman sa Lolo nya. Hiniram ko lang yang batang yan eh, walang bayad ang pag-photograph nyan ngayong araw for me, ayaw magpabayad. Yan na lang ang pa-thank you ko sa kanya, sige na hija. Isa pa he saved you, gratitude should be coming from you actually”.

“Pero Lo…”

“No buts, no ifs. Ano na lang ang sasabihin saken ng Daddy ni Luigi pag nagkita kami next week? Bye apo, I have a meeting to attend. I love you apo”, at binaba na ni Lolo ang phone nya.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon