Chapter 8 [Part 2] - No Guts, No Glory

200K 1.2K 93
                                    

[Laureen's POV]

"Laureen! Here!"

Si Charms, nagwe-wave sya sa amin ni Billy.

Lumapit kami ni Billy sa table kung saan nandoon si Charms.

May kasama sya sa table na babae pero hindi ko kakilala. "Si Jasmine pala, cheerer", sabi ni Charms.

"Oh, hi Jasmine", sabi ko.

"Hi Laureen. Hi Billy", sabi ni Jasmine sa amin.

Nasabi na pala agad ni Charms kung sino ako. Si Billy mukhang kilala naman nya. Malamang, kung nagkikita sila sa court.

"Hi Jas", sabi ni Billy.

"O Charm, punta na ko don sa table namin ha, dumating naman na mga kasama mo eh", ngumiti si Jasmine sa amin ni Billy, "Sige dun muna ako ha".

Nagpaalam na sya at umalis na ng tuluyan. Pang-apat na tao lang ang mesa namin. Medyo mataas ito na kagaya ng mga tables sa bar, round, pero hindi naman masyadong maliit, tama lang. Covered ito ng isang white cloth at may maliit na blue bouquet of flowers sa gitna.

"Di nyo naman sinabi, magkukulot pala tayo ngayon!", sabi ni Billy.

Natawa kami ni Charm. Ang cute ni Billy nung sinabi nya 'yon. Haaay Billy.

Medyo  mataas din ang chair. Tinulungan ako ni Billy na makaupo.

"Ashush namaaaan", sabi ni Charms smiling.

Nang-aasar na naman ang g*ga.

"Ano yun Charms?", tanong ni Billy na nakatayo lang sa table namin.

"Ha? Sabi ko ang late nyo naman", sabi ni Charms.

"Aaah. Eh late eh. Hehe", sabi ni Billy.

"Sorry na, kasalanan ko na nga eh", sabi ko kay Charms.

"Haha. Wala ka pang dalang regalo. Yuck nakakahiya ka. Kitang-kita pa naman kayo kanina nung dumating kayo", sabi ni Charms.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon