[Laureen's POV]
~Why oh why, do I feel this way?
When I'm with you I feel so alive~
"Mahal kita Laureen", bulong ni Luigi sa may tenga ko.
~Why oh why, will I hide away~
Para akong nabingi for couple of seconds.
*Dug-dug-dug-dug-dug-dug *, ang puso ko ayaw paawat.
Inangat ko ang ulo ko para tignan sya.
~I can't help it~
"I love you", ulit nya, "Kanina sa practice tinamaan ako sa kanta"
~I'm falling in love with you~
"A-anong s-sabi mo Luigi?", napakurap-kurap pa ako dahil sa narinig ko.
Feeling ko nag-rush lahat ng dugo ko papunta sa mukha ko.
Binitiwan ako ni Luigi at hinawakan ako ng marahan sa mga braso ko, "Gusto mong ulitin ko ulit Laureen?", mahinang sabi ni Luigi sa akin habang nakatingin sya sa mga mata ko. Nakangiti sya ng bahagya.
Nilalamon ako ng mga salita. Nagtatalo ang loob ko, hindi ako makasagot. Sobrang kinakabahan ako sa nangyayari ngayon. Pinagti-tripan ba ako ni Luigi? Seryoso ba sya sa sinasabi nya?
Nilapit ni Luigi ang mukha nya sa mukha ko.
Lalo akong natuliro.
"Mahal kita Laureen. Hindi ko alam kung paano nagsimula. Kahit pinigilan ko, hindi pa din nagpa-awat....", sabi ni Luigi habang nakatingin sa mga mata ko.
Hinawi nya ang ilang hibla ng buhok sa noo ko, "Hindi pa nga ako umaalis sa bahay na 'to, pero ngayon pa lang nami-miss na kita Laureen", sabi ni Luigi ng mahina.
Binukas ko ang bibig ko pero walang salitang lumabas.
BINABASA MO ANG
Love Will Find A Way
RomanceShe is a stranger to him. He is a stranger to her. She's simple and nice. He's a playboy. Will he ever change? They were both at a bar that same night. And when he thought it is going to be just another ordinary bar night, -- he's wrong, and everyt...