Chapter 23 [Part 3] - Hard To Breathe

147K 825 27
                                    

Bakit nga ba naging close si Charm at Aaron?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Charmie's POV]

"Charmie, ano bang nangyari?", nasa loob na kami ng condo ni Laureen.

Nagpupunas kaming dalawa dahil medyo nabasa kami ng ulan.

"Eh kasi bes...."

"Ano nga? Magkwento ka na", sabi ni Laureen.

Nagsimula tuloy ako mapaiyak.

"Mahaba 'to, kelangan mo ng popcorn", mahinang sabi ko ng pabiro habang napapaiyak.

"Nagbibiro pa eh!", sabi ni Laureen.

Nagsimula akong magkwento sa kanya.

"Naaalala mo ba nung una akong sumama sa cheerers para lumabas?", mahinang tanong ko kay Laureen habang pinupunasan ang gilid ng mga mata ko.

"Aah, yung hindi ako sumama tapos pinagte-text mo ako ng kung anu-ano tungkol kay Luigi at Kara, yung magkatabi sila sa bar?", tanong ni Laureen.

"Oo yun nga", sagot ko sa kanya.

"Pasaway ka, muntik ko pang tabunan si Luigi ng unan non sa mukha. Kung napatay ko yung tao, habang buhay ka talagang makokonsensya", ngumiti sa akin si Laureen, siguro pinapagaan ang loob ko, "Anong meron non?", dagdag na tanong nya.

"Hindi kasi nila ma-contact si Aaron non", panimula ko.

"Sabi ko na tungkol kay Aaron 'to eh", mahinang sabi ni Laureen and she gave me a weak smile, "Go bes. Makikinig ako"

Kinwento ko sa kanya.

  

********************** 1st  FLASHBACK**************************

"Si Aaron, asan na yon?", sabi ni Benj.

"Wala. Di ma-contact. Tinawagan ko na. Tinext ko na rin kanina pa", sabi ni Lance.

"Ano kayang nangyari don?", sabi ni Jake.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon