Chapter 17 [Part 3] - This Means War ***

170K 1.1K 141
                                    

*Alam kong maiksi ang last update (This Means War - Part 2), kumbaga sa skirt, MICRO-MINI! Haha :D Kaya eto na ang karugtong :)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Luigi's POV]

"Bukas na lang tayo mag-usap Laureen", sabi ko sa kanya, "Parehas na tayong wala sa mood"

At tuluyan na akong lumabas ng kwarto.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Sunday]

Pagkatapos kong iwanan si Laureen kagabi sa kwarto, sa sala ako tumambay at nagisip-isip.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa couch sa sala.

Naramdaman ko na lang na may gumigising sa akin.

"Apo...."

Nagising ako na parang may mabigat sa dibdib ko.

"Apo, bakit dito kayo natutulog sa sala?" - si Lolo Lauro, katabi si Lolo Luis.

Lolo LUIS? Dumating na sya!

"Lolo....Welcome back", masayang sabi ko kay Lolo Luis.

"Bakit dito kayo natutulog sa sala?", ulit ni Lolo Lauro.

Wait. Anong KAYO?

 

Tumingin ako sa nakadagan sa may dibdib ko.

Ulo. Ulo ni Laureen. Hindi ko kita ang mukha nya. Nakalagay din ang isang kamay nya sa may ibabaw ng tyan ko.

Nakaupo si Laureen sa sahig at naka-unan sa may dibdib ko. Bakit nandito sya?

"Laureen....", mahinang gising ko sa kanya. Hinaplos ko ang buhok nya.

Tulog na tulog sya kaya dahan-dahan akong umupo at sinuportahan ang ulo at kamay nya.

Binuhat ko sya mula sa sahig at nilagay sa couch. Pinulot ko na din ang maliit na unan na inupuan nya kanina.

Pero nagising sya sa ginawa ko.

"Luigi", mahinang sabi nya habang nagkukusot ng mga mata nya.

"Laureen apo, good morning", sabi ni Lolo Lauro sa kanya.

Umupo si Laureen sa couch at binati si Lolo Lauro, "Good morning po Lolo"

"Lolo, namiss kita!", sabi ko at niyakap ko si Lolo Luis, "Bakit di po kayo nagsabi, sana sinundo ko po kayo sa airport. Kararating nyo lang po?"

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon