Chapter 16 [Part 1] - The New Us *

189K 1.3K 134
                                    

*dedicated kay Stefi_Diaz na tuwang-tuwa dahil hindi na daw sya gagastos para sa one year supply ng alak ni Luigi dahil kusang bumait na si Luigi-boy :)


[Laureen's POV]

After nung inuman session namin ni Luigi with Jake, mas naging close pa kami ni Luigi. Kung anu-ano ba naman na ang nai-share kong ups and downs kay Luigi, ewan ko na lang kung hindi pa. At sa mga downs na nasaksihan nya, ang bongga ko, wasted ako palage at sya ang nandyan.

Kinabukasan nun, dahil holiday naman, parehas kaming nag-hybernate ni Luigi. Nagtutu-tulog lang kaming dalawa buong araw. Bumababa lang kami pag kakain na tapos aakyat ulit para matulog. Antok na antok kami parehas. Siguro dahil parehas kaming puyat ng dalawang gabi at uminom pa kami sa magkaparehas na mga gabi na yon.

  

Pag pumapasok kami ng school, magkahiwalay na kotse pa din kami pero sabay na kaming umaalis ng bahay, sabay sumisilip kay Lolo at sabay nagdi-dinner pag-uwi namin dito sa bahay.

Sa school, magkasabay pa din ang grupo naming dalawa na mag-lunch. Sa grupo ko -- ako, si Charm at si Julia, at sa kanila naman -- si Luigi, Aaron at Jake. Si Billy ang common denominator ng dalawang groups.

Nagpapansinan na kami ni Luigi sa school. Minsan lang hindi ako makaligtas sa pang-aasar ni Charm. Na ginagawaan naman ni Jake ng paraan para mabago ang usapan.

Kaya naman mas naging close din ako kay Jake. Kahit mag-asaran pa kaming tatlo in private, meaning kami-kami lang (ako, si Luigi at Jake), hindi kami nagkakapikunan.

Pagkatapos ng klase, kami-kaming grupo na din ang nagkakasabay pumunta sa galaan minsan kung mati-tripan namin.

Last week, nag-night life na naman kami ni Luigi kasama ang buong grupo, ilang varsity players, kasama ang ilan sa cheerers, syempre present si Kara, si Charms at si Jasmine. Pati si Julia kasama din.  Pero umuwi din kami ng maaga ni Luigi, tinulungan kami ni Jake um-escape at magpalusot. Tama nga si Luigi, mas napadali ang pagkilos namin dahil kay Jake.

Aaminin ko, nage-enjoy ako. Wag lang totopakin si Kara. Hindi pa din sya over sa pang-aaway sa akin.

Pero hindi ko pa nakitang duma-moves si Luigi sa mga babae. Merong chit-chat pag may kumakausap sa kanya, pero saglit lang. Mas madalas katabi nya lang si Jake.

Sabi naman ni Charms, parang naging lapitin daw ako ng mga boys. May mga nagpapakilala kasi sa akin minsan. 

Nung una kinakalabit pa ako ni Charms pag gwapo ang nagpapakilala sa akin, inaasar nya ako syempre. Pero kalaunan tinitignan na ako ng masama ni Charm.

Masyado na daw akong nagiging 'friendly'. 

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon