Chapter 11 [Full....] - Mood Swings

184K 1.3K 139
                                    

[Laureen's POV]

Nagising ako ng alanganing oras. Nakapatay na ang ilaw ng kwarto pero bukas ang lampshade.

Si Luigi. Dumating na siguro sya.

Sumilip ako sa sahig at nakita ko sya doon.

O?

Wala syang sapin?

Kinapa ko ang hinihigaan ko at nahawakan ko ang comforter.

Tumayo ako at kinuha ang comforter.

Tinalukbong ko iyon sa kanya. Kawawa naman eh.

Anong oras kaya sya dumating? Ang sarap ng tulog ko. Hindi na nya ako ginising para kunin ang comforter sa akin. Parang may tumusok na naman sa dibdib ko. Mas ok pa ata sa akin na nagsusungit sya kesa ganito.

Sumilip ako sa iphone ko para tignan ang oras. 4:00am. May mga texts si Charm. Kamusta kaya ang night out nya? Binasa ko isa-isa. From the top.

1st Message:

[From: Charm]

Si Billy andito din. Hinanap ka nga eh.

Ah kasama din si Billy. Buti naman atleast may ka-close si Charm. Teka baket andon si Billy? Napataas ang kilay ko. Kala ko ba cheerers ang kasama nya?

2nd Message:

[From: Charm]

Magreply ka bes. May ginagawa ka ba?

Ay, sorry na Charm, nakatulog na ko nito eh.

3rd Message:

[From: Charm]

Tsk, tsk. Magkatabi si papa Luigi at si Kara, magkasama na sila bago pa kami dumating nina Jas dito sa bar. O, wag magselos. Haha Joke! :p

Lumaki ang mga mata ko sa nabasa ko, at uminit ang tenga ko.

4th message:

[From: Charm]

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon