Chapter 14 [Part 3] - Babies **

183K 1.2K 135
                                    

[Laureen's POV]

"O sige una na kami ha", lumapit sa akin si April at bumeso sa pisngi ko, "Thank you ulit Laureen"

Ngumiti ako kay April, at kumiss ako sa noo ni Xavier, "Bye, baby". Tulog na talaga si Xavier.

 

 

Nagpaalam si April sa lahat, pagkatapos ay umalis na silang dalawa ni Xavier.

 

 

Bumalik kami sa pag-upo sa table namin.

"Mag-stay pa kayo ha. Madami pang food at drinks", sabi ni Bianca.

"Oo nga Gi, mag-stay pa kayo ha", sabi ni Migs, "Di pa namin masyado nakakausap si Laureen", kumindat sya kay Luigi.

Napailing si Luigi, "Ok lang ba Laureen?", tanong sa akin ni Luigi.

Pero bago pa ako makapag-salita, may narinig na akong boses ng isang lalaki sa bandang likuran ko.

"Aah, excuse me", sabi ng lalaki.

Lumingon silang lahat. Pero ako hindi.

I froze.

Tumayo si Bianca sa upuan at hinatak nya si Migs.

"O! Kayo pala! Thank you for coming ha", sabi ni Bianca. Sa may likuran ko sila nag-uusap.

"Congratulations Bianca. Una na kami ha, medyo masama na kasi pakiramdam ko eh", sabi ng boses ng isang babae.

"Ay, ganon ba? Naku ganon talaga yata pag buntis", sabi ni Bianca, "Ok ka lang ba Abby?"

"Ok naman, kelangan ko lang siguro magpahinga", sabi ng babae.

"Nahihirapan ka ba sa pagbubuntis sa baby mo?", sabi ni Bianca sa babae.

"Mahirap, pero tinutulungan naman nya ako. Kaya masaya naman. Diba?", sabi ng babae.

"Ah yes. Yes, masaya naman", sabi ng lalaki.

Kilala ko ang boses na 'yon.

 

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon