Chapter 25 [Part 4] - Back In The Game

150K 1K 551
                                    

[Lance's POV]

~I'm afraid I'm starting to feel 
What I said I would not do 
The last time really hurt me~


~I'm scared to fall in love 
Afraid to love so fast 
Cause every time I fall in love 
It seems too never last~


~But every time your love is near 
And every time I'm filled with fear~

  

"Lamig ng boses mo Kars", sabi ko kay Kara.

Andito kami ngayon sa harap ng keyboard ko. Ako ang tumutugtog sa keyboard, at si Kara ang kumakanta. Si Jake nakikinig lang sa amin, at nagbibigay ng instructions kay Kara kung masyadong mababa o mataas ang pag-hit nya sa notes.

Magaling kumanta ang mag-pinsan na 'to. Bukod sa pagsasayaw. Talented din si Kara sa pagkanta.

 

 

~Cause every time I see your face 
My heart does begin to race every time~

  

~One half wants me to go 
One half wants me to stay 
I just get so oh confused~

 

~I'm scared to fall in love 
Afraid to love so fast 
Cause every time I fall in love 
It seems too never last~


~But every time your love is near 
And every time I'm filled with fear 
Cause every time I see your face 
My heart does begin to race every time~

 

"Galing Kars!", sabi ko pa.

"Tapos na ba kayong mag-concert?", naiiritang sabi ni Luigi na nakasandal sa wall at nakacross ang mga braso sa ibabaw ng dibdib nya.

"Bakit ba?", sabi ni Jake, "Inaano ka ba namin?"

"Inaasar nyo lang ata ako eh", supladong sagot ni Luigi.

"Hahaha. Hindi ah! Bakit tinatamaan ka ba?", sabi ko naman.

"Hindi ako ang pumili nyan Gi, si Lance ang pumili ng kanta na yan", depensa ni Kara.

"Baket? Masama ba? Pina-practice ko lang naman yung tutugtugin ko sa engagement nung pinsan ko ah! Favorite kaya 'to nung fiance nya!", sabi ko kay Luigi.

"Ewan ko sa inyo", sabi ni Luigi at lumakad na sya palapit sa pinto.

"Hahaha" - Ako at si Jake

"Kars, sasabay ka ba sa akin?", tanong ni Luigi.

"Andyan na!", sabi ni Kara, "Tara na! Alis na tayo. Una na kayo sa school, dadaanan pa daw namin yung jersey nya eh. See you sa school ha", sabi ni Kara at pinisil kaming dalawa ni Jake sa braso.

Tumayo na din kami ni Jake at naglakad na palabas ng pinto bitbit ang mga gamit namin.

Naghihintay kami sa may elevator ng tumunog ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag.

Napatingin ako kay Luigi na nakatingin din sa akin.

"Hello?", sabi ko pagkasagot ko ng phone ko.

"Hello Lance! Sorry sa istorbo ah"

"Napatawag ka Laureen", nakita kong yumuko si Luigi.

"May naiwan ba akong bracelet dyan?", tanong ni Laureen sa kabilang linya.

"Bracelet?", tanong ko sa kanya.

"Oo, nawawala kasi yung bracelet ko na may palawit na L at G, pag nakita mo naman pakitago muna o", sabi ni Laureen sa akin.

"Ok sige. Check ko kung andito yung bracelet mo mamaya ha", sabi ko sa kanya.

"Salamat Lance. See you sa school. Ingat ka. Bye-bye", sabi ni Laureen sa kabilang linya.

"Ok, welcome. See you. Ingat ka din. Bye Laureen"

~~end of call~~

 

 

Tahimik kaming lahat sa elevator, hanggang sa pagpuntang parking.

Nung matapat si Luigi sa isang trash can, huminto sya at may kinuha sya sa bulsa nya na isang bagay na makinang at tinapon yon sa basurahan.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

;) Hanggang dito na lang muna ulit :)

Song: Everytime by Janet Jackson

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon