Chapter 4 [Part 2] - Dinner

239K 1.7K 122
                                    

[Luigi's POV --- of Chapter 12 (Guide)]

Kumakain kami kanina sa dining table ng tumawag si Jake sa akin kaya I excused myself sa mga taong kasalo namin doon kanina. Nag-excuse din si Dad para magpunta sa men's room. Sabay kami tumayo ni Dad, pero magkahiwalay kami ng way na pinuntahan.

"Yes bro?", bungad ko.

  

"P're, musta ang event?", tanong ni Jake.

"Di pa nag-start. Napatawag ka, anong meron?"

"Kinukulit ako ni Max kanina pa eh", sabi nito.

"Bakit daw?", tanong ko.

  

"Hindi ka daw nagrereply sa kanya", sabi ni Jake.

"You know I have a rule", sagot ko. Binalik ko ang tingin ko sa dining table.

"Alam ko bro, pero hindi yun alam ni Max", sagot ni Jake.

"Ako na bahala kumausap sa kanya pagbalik ko", sagot ko naman. May umagaw ng attention ko at napangiti ako dahil nakita kong paparating sya. Nag-alangan ako nung una, pero sigurado ako sya yun, kahit nakapusod ang buhok nito alam ko na ang mukha niya kahit sa malayo. Natitigan ko na ito dati sa lens ng camera ko.

"Huy bro! You still there?", tanong ni Jake.

"Oh yeah! Sorry! You were saying something", I replied.

"Ano bang nangyayari sayo p're?", tanong ni Jake.

"Nothing. O ano nga yon?", nakatingin pa din ako sa kararating pa lang na tao. Nakita kong nakipag-shake hands ito.

"I said, di alam ni Max that you have a rule", sagot ni Jake.

  

"Okay, okay! Ako na bahala pagbalik ko", nagmamadali kong sagot.

  

"Sabi mo yan bro ha", parang yun ang pagkakaintindi ko na sinabi ni Jake, hindi ko na kasi fully narinig. Nasa iba ang atensyon ko.

"Oh come on, not her", bulong ko sa sarili ko, nakita ko kasing inabot ni Rob ang kamay nya kay Laureen.

  

"Ano sabi mo bro, anong not her?", naguguluhang tanong nito.

"Ah wala, hindi ikaw ang kausap ko. Sige na bro, I have to go", nagsasalita pa si Jake sa kabilang line pero binaba ko na ang phone ko at naglakad na ako papunta sa dining table. Andon na din si Dad. Si-net ko sa silent ang phone ko, panigurado kukulitin ulit ako ni Jake eh.

  

Malapit na ako ng marinig ko si Dad na sinabing kelangan ni Laureen ng magtuturo sa kanya. Naunahan ako ni Rob magsalita, sh*t!

  

Hindi pwede. So I decided to cut him, "I will Dad."

  

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon