Chapter 24 [Part 1] - Memory Lane

146K 778 64
                                    

[Kara's POV]

"Gi.... Let's go inside...."

"Kars...."

"Tayo na jan GI", mahina kong sabi kay Luigi.

"Bakit lumabas ka ng bahay, baka magkasakit ka lalo", sabi ni Luigi sa akin.

"Bakit nagpapaulan ka dyan? Ikaw gusto mo din magkasakit? Tayo na jan, pasok na tayo sa loob", yaya ko sa kanya.

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Pumasok kami sa kwarto ni Jake. Naghagilap ako ng damit na pwedeng ipampalit ni Luigi.

"Maligo ka at magbihis", sabi ko sa kanya pagkaabot ko ng damit sa kanya, "Sumunod ka sa akin sa dining, dun tayo mag-usap", sabi ko sa kanya.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Tahimik lang si Luigi.

Hindi sya nagsasalita.

Kung ano ang saya na nakita ko sa mukha nya nung unang practice namin, pati na din nung araw ng second practice namin ng sayaw para sa Mr&Ms, kabaliktaran ngayon.

Pero higit pa don, mas kinababahala ko ang galit na nakikita ko sa mga mata nya.

"Inumin mo na yan Gi.... Baka lumamig na yang coffee mo", sabi ko sa kanya.

"Beer na lang Kars", sabi nya.

"Anong beer? Gusto mong sambunutan kita? Ang aga-aga pa Gi ha!", sabi ko sa kanya.

"Hindi naman ako nagka-kape eh", mahinang sabi ni Luigi, "Alam mo naman yun diba Kars?"

"Alam ko! Pero kelangan mainitan ka ngayon", sabi ko sa kanya, "Ayaw mo naman ipagluto kita ng noodles", sabi ko sa kanya.

"Ayoko ng noodles", iritableng sabi nya.

"Ano bang meron sa noodles at ayaw mo ng noodles! Favorite mo naman yun! Lalo na yung beef!", iritableng sagot ko din sa kanya.

"Ayoko nga ng noodles Kars!", pabalang na sagot ni Luigi.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon