Chapter 2 [Part 1] - The Event

255K 1.5K 35
                                    

Laureen’s POV

I woke up early. Nagising ako sa alarm clock na ni-set ni Charms sa 5:00 am.

Kung tutuusin 8:00 am pa naman ang charity event. Pero alam ni Charms na matagal akong maligo at mabagal akong kumilos. Isa pa mejo malayu-layo ang school na pupuntahan namin. Sakto lang tong gising ko.

Bumangon na ko sa kama at dumerecho sa banyo. Naiyak pa ako nung maalala ko ang naging takbo ng usapan namin ni Jeff. Nakakapanghina. Nakakatamad tuloy. Pero pag hindi naman ako pumunta sa event, magna-nag si Charms at papagalitan ako ni Lolo. Una sa lahat kay Lolo ako humingi ng pera para sa mga gastusin sa event na to.

Bukod kasi sa mural painting ay magbibigay din kami ng mga kakaunting school supplies sa mga bata doon para sa darating na pasukan. Dito naman natutuwa sa akin si Lolo, hindi ko sinasayang ang bakasyon ko, palagi akong may kabuluhang ginagawa.

Di daw ako tulad ng mommy ko noon na travel ng travel at shopping ng shopping.

Lumabas na ako ng banyo at binuksan ang closet ko.

Simple lang ako pumorma. Jeans lang ako madalas at blouse. Di din ako masydo nagde-dress kahit na binibilhan ako ni Lolo.

Oo binibilhan ako ni Lolo kasi daw baka maging tibo ako. Minsan nga niloloko nya kami ni Charms na tibo din si Charms, baka daw front ko lang si Jeff.

Si Jeff.

Si Jeff na naman ang nasa isip ko.

Pano na? Pupunta kaya si Jeff ngayon? Anong gagawin ko?

Pumili ako ng isang pair of jeans at blue na polo shirt. Yun ang color of the day. Nirequest ko na blue ang isuot ng mga taong magpupunta sa event.

Pagkatapos kong magbihis ay nag-ayos na ako ng mukha. Simpleng blush on at konting lipstick lang. Sinuot ko na din ang rubber shoes ko at kinuha ang susi ng kotse.

Dating-gawi, pag ganitong activity, magkikita kami ni Charms sa isang fast food na malapit sa kanila at sabay kaming magbe-breakfast. Kahit naging bf ko na si Jeff ganon pa din kami.

Pagdating ko doon ay andoon na din si Charms. Halos magkasabay lang kami, nakita ko syang pipila pa lang para umorder. Pinark ko na ang kotse ko.

Kinalabit ko si Charms. Gaya ko nakasuot din ito ng blue.

“Charmie”, mahinang tawag ko.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon