Chapter 30 / Last Chapter [Part 3] - Every End Is A New Beginning

162K 2.1K 473
                                    

EPILOGUE

****Eto na, ang last part ng LWFAW na dedicated sa inyong lahat :)  Basahin nyo hanggang dulo, may bonus ako :)

[Laureen's POV]

"Hon, hindi ka ba talaga makakabalik agad?", malungkot na sabi ko kay Luigi.

Humarap si Luigi sa akin  at nakita ko din na malungkot ang mukha niya. Lumapit sya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko at pinisil ang mga iyon, "Pasensya ka na hon. I am really really sorry. Hindi ko lang talaga pwedeng hindi puntahan ang conference na 'yon eh. ", sabi nya sa akin sa malungkot din na tono.

Ngumiti ako ng bahagya sa kanya, pero hindi ako nagsalita.

"Laureen.... ", niyakap ako ni Luigi mula sa likod atsaka muling nagsalita, "Alam mo naman na gusto ko din sumama. Gusto ko din sumama sa beach, syempre parang maliit na family get together yun. Birthday ni Migs tapos libre pa dahil after 5 years of marriage, finally pregnant na si Biancs", sabi ni Luigi.

"Okaay", mabagal na sabi ko sa kanya.

"Honey.... Cheer up na. Kung pwede lang hindi magtrabaho para katabi na lang kita palagi, yun na ginagawa ko", malambing na sabi ni Luigi at hinalikan ang balikat ko.

Iginilid ko ang mukha ko para halikan ang pisngi nya, "Sana kasi hindi na lang nagkasabay eh", sabi ko ng malungkot.

"Oo nga eh, kaso di naman na pwede iusog ang celebration ng birthday ni Migs kasi ire-rebook lahat pati hotel. Mas lalong hindi naman pwede i-resched yung conference sa Singapore", malungkot na sabi ni Luigi.

"Ang tagal mo pa don Luigi. 1 week kang mawawala. Buti sana kung pagbalik namin galing don eh nandito ka na. Hindi eh, 2 days after ka pa makakabalik", malungkot na sabi ko din.

"Naka-auto roam naman number ko hon. Ganito na lang", sabi ni Luigi, hinarap nya ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko, "Babawi ako pagbalik ko, pupunta tayong dalawa don. Tatabunan natin ang memory mo na hindi mo ako kasama don ng mas magagandang memories, okay?", nakangiting sabi ni Luigi.

Tinignan ko lang ng malungkot si Luigi.

"Laureen wag ka ng malungkot. Andon naman si Jake. Kayo na lang tabi sa plane", sabi pa ni Luigi.

Ngumiti ako sa kanya dahil alam ko namang ginagawa na nya ang best nya para i-cheer up ako, "Okay, sige-sige. Mami-miss kita hon. Mag-iingat ka sa Singapore ha?", sabi ko sa kanya.

"I will.  Mami-miss din kita hon", sabi ni Luigi at niyakap ako ng mahigpit, "Kawawa naman ako, mag-isa lang ako sa Singapore. Wala akong honey", sabi pa nya habang niyayakap ako ng mahigpit.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon