Chapter 7 [Part 1] - Rematch

209K 1.6K 215
                                    

[Laureen's POV]


"ANOOOOO?"

"Araay! Ano ba Charmie! Ang lakas ng sigaw mo ah!", angal ko kay Charms.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?", tanong nya.

"Eh ewan ko".

"Anong ewan mo? BAKIT NGA?", sinigawan nya na naman ako at kinurot nya ako sa braso.

Ang brutal.

"Babasagin mo ba talaga ang eardrums ko ha? Saka masakit ha!", hinampas ko sya ng unan.

Nasa kwarto ako ni Charmie. Pagkatapos na pagkatapos ng try out ko sa badminton umalis na agad kami ng school at pumunta na dito sa bahay nila. Kakatapos lang ng dinner namin kasama ang pamilya nya.

Ang daming pasalubong sakin ng mga kuya nya. At gaya ng dati, hindi na naman nila napigilang tuksuhin na may relasyon kami ni Charms. Mga loko talaga yun.

Well, one thing though, bagay daw sa akin ang dress na suot ko, akayin ko daw si Charms sa landas patungo sa pagdadalaga. Haha. Natawa talaga ako nun nung sinabi ni kuya Bryan yun. At pagbalik daw nya ipapakilala daw nya kami ni Charms sa mga friends nya para magka-boyfriend daw kami.

"Eh kasi naman eh! Dali na bes, magwento ka na! Grrr!", sabi ni Charms na kinikilig and at the same time hindi makapaghintay.

Kinwento ko na kay Charms ang tungkol sa horse-back riding experience ko. Excited na excited talaga sya. Pinapa-describe talaga pati kung anong feeling nung una kong makita si Bridget, ang kabayo ko, anong kulay daw, gaano kalaki, ano daw yung pakiramdam nung unang sakay sa kabayo, at nung una itong tumakbo.

Lahat-lahat. Descriptive daw dapat. Ano ba? Ang kulit talaga nitong si Charms.

Ngayon nagwawala sya at sinisigawan ako kasi nakwento ko na tinry akong i-save ni Luigi mula kay Rob, at si Luigi ang naging guide ko at sumakay kami ng sabay sa kabayo ko.

"Charms naman eh, naging guide ko lang, yun lang".

"Waaaah! Kinikilig ako! Waaah", sabi ni Charm.

"Charms, ano ka ba bakit naglulupasay ka jan? Parang yun lang eh!"

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon