Chapter 3 [Full....] - OMG

238K 1.4K 41
                                    

Charmie's POV

  

Parang ang tagal din namin hindi nagkita ni Laureen. Nagusap lang kami ng bestfriend ko sa phone about dun sa paghatid nya kay air-con, ay Luigi pala. Haha

Ngayong araw magmi-meet kami sa isang coffee shop sa loob ng isang mall.

Kadadating ko lang din kasi kahapon from a two-week vacation. Pumunta kami ng family ko sa Singapore, then tinuloy na namin ng Malaysia. One week kami sa Singapore. One week din kami sa Malaysia.

Ayoko nga sana sumama kasi ayokong iwan si Laureen lalo na ngayon, kaso ako lang ang hindi sasama pag nagback-out ako. Isa pa sabi ni mommy minsan lang daw kami makumpleto kaya sulitin na namin. Sa Australia kasi nagtatrabaho ang dalawa kong kuya kaya minsan lang sila makauwi sa Pilipinas.

Excited na akong makipagmeet kay Laureen para maibigay ko na 'tong mga pasalubong ko. Binantaan pa nga ako na pag keychain daw ang dala ko ibabato nya sa mukha ko. Haha. Kahit na out of the country ako, tinatawagan ko pa din si Laureen. 

Alam kong kelangan nya ako lalo na ngayon. Wala naman kasing time difference ang Malaysia at Singapore sa Pilipinas. Niloloko nga ako ng kuya ko na baka daw mag-jowa kami ni Laureen, kasi bago matulog tinatawagan ko sya. Kahit mag-good night lang ako, ganon lang. Mini-make sure ko lang na buhay pa ang bestfriend ko at hindi pa nagsu-suicide. 

Ganito kasi kami ni Laureen. Parang magkapatid na ang turingan namin sa isa't-isa. Solong anak lang kasi si Laureen tapos ako naman nag-iisang babaeng anak ng mommy at daddy ko.

Huling tawag ko nga sa kanya tinutukso ko pa sya kay Luigi.

********FLASHBACK********

"Musta teh?"

"Hi bes! Gabi-gabi tatawag?", sabi ni Laureen.

  

"Namimiss na kita eh", sagot ko.

"Sinong niloko mo bes? Hindi ako magsu-suicide noh!", sagot nya.

"Haha. Wala naman akong sinabi na magpapakamatay ka ah!", depensa ko.

"Bruha ka!"

"Mas bruha ka Laureen!", sagot ko.

  

"Di kaya, maganda kaya ako!", sabi nya.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon