Chapter 2 [Part 2] - Accident

238K 1.5K 67
                                    

Laureen's POV

Ang lakas ng sigaw ni Charmie sa pagkakadulas ko. “Laureeeeeeen!”

Sa taas ng pwesto ko, inaasahan na ang isang malakas na pagbagsak at ang isang malakas at mahaba na 'Araaaay'.

Pero hindi ako lumagapak sa semento. May lumagapak pero hindi ako. Isang lalaki. Isang lalaki na sinalo ako sa pagkakahulog ko mula sa hagdan. At sa kanya ako bumagsak. Di na masama para sa akin, konting galos lang sa may bandang braso na nadaganan ko ng bahagya at masakit na ankle na tumama sa semento.

Pero kawawa naman 'tong taong nadaganan ko.

Malamang madami syang galos kung hindi man pilay.

Hindi ako nakatayo agad sa shock.  Nakita ko na lang na bumababa na si Charms ng hagdan para puntahan ako.

Nakayakap ang lalaki sa akin, matapos naming matumba pareho ay niyakap ako nito nung magpaikot ng isang beses ang mga katawan naming dalawa sa semento. Para bang inalalayan nya ang ulo ko na wag tumama sa lupa.

“Aaaaaah”, the guy said, at natauhan na ako. From the sound of it, I think he’s hurt. Badly hurt.

Umupo ako para tignan at kamustahin ang lagay ng lalaki.

Nakita ko ang isang camera na nadadaganan nya. Ouch! Kung dun sya bumagsak masakit nga yun.

“Kuya, ok ka lang ba?”, tanong ko.

“Oooouch”.

“Kuya, I’m sorry. Sorry talaga. Di ko sinasadya. Nasaktan ka pa tuloy. Thank you sa pag-salo sa akin, pero ikaw naman ang nasaktan”, sabi ko sa kanya habang tinutulungan ko syang tumayo.

Nahihirapan syang tumayo. Inakay ko sya, nilagay ko ang braso nya sa balikat ko.

"Oouch!", he said "Wag yan, masakit yan".

"Sorry kuya, sorry", sabi ko.

Pumunta ako sa kabilang side nya para ilagay ang kabilang braso nya sa balikat ko, nasaktan sya kaunti, but he didn't protest this time. 

Nagkatinginan kaming dalawa. Di ako makapaniwala sa nakikita ko.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon