Chapter 23 [Part 1] - Hard To Breathe

147K 822 59
                                    

[Luigi's POV]

"Mag-pahinga ka na Kars, see you tomorrow sa school, ok", sabi ko sa kanya.

"'Kay, take care Gi", sabi nya.

"Sumabay ka na lang kay Jake bukas papasok sa school, ok?", sabi ko.

"Nah! I'm fine. Bukas kaya ko ng mag-drive", sabi ni Kara.

"Sure?", tanong ko sa kanya, "Pwede kita sunduin bukas kung ayaw mong sumabay kay Jake", alok ko sa kanya.

"Hindi na Gi. Kaya ko na", sabi ni Kara.

"Ok sige. Gusto mo ng pineapple bukas?", tanong ko sa kanya.

"Mmm. Sige. Thanks Gi!", sabi ni Kara.

"Alright. Night Kars"

"Night Gi. Drive safely. Nagsisimula ng umulan dito"

~~end of call~~

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Laureen's POV]

Nagising ako sa nagri-ring na iphone.

Walang ilaw sa kwarto kundi ang ilaw lang mula sa iphone ko na nagri-ring. Nakapatay ang lampshade. Ibigsabihin hindi pa umuuwi si Luigi.

3:00am pag tingin ko sa oras ng iphone.

[Charms Calling....]

 

 

Si Charms tumatawag ng ganitong oras?

Sinagot ko na agad ang phone ko. Pero nanatili akong nakahiga.

"Hello"

"Bes, hindi ka nagparamdam buong araw", mahina ang boses nya sa kabilang linya at mukhang malungkot.

"Sorry bes, nag-time off lang ako", sagot ko.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon