Chapter 19 [Part 3] - TLC

155K 1K 101
                                    

[Laureen's POV]

 

"Wala yun, ang mahalaga ok ka na", sabi ni Luigi, "Tinakot mo ko", sabi nya pa ng seryoso sa akin.

Ngumiti ako sa kanya. Nakatingin kasi sya ng seryoso sa akin. Luigi and his eyes.

"A-ano, b-bilisan mo na, tuturuan mo pa ako", sabi ko sa kanya.

"Ok, ok"

 

 

*iphone ringing*

 

 

"Hello Billy", sagot ko.

 

 

"Hello Nice, musta na pakiramdam mo?", malambing na tanong ni Billy sa kabilang linya.

"Ok naman na ako", sabi ko kay Billy.

"San ka gumulong ngayon?", natatawang sabi ni Billy.

"Haha. Sa sahig. Sa sahig ako gumulong. Teka, san mo nalaman na inatake na naman ako ng dysmenorrhea?", sabi ko sa kanya ng natatawa.

"Kay Luigi, magkakasama kasi kami kanina"

"Aaaah, ok ok", sabi ko.

"Sigurado kang ok ka na?", tanong ni Billy.

"Oo naman ok na talaga ako", sabi ko sa kanya.

"Nagdinner ka na?", tanong ni Billy.

"Tapos na, kakatapos ko lang kumain. Ikaw? San ka na? Nakauwi ka na ba?", tanong ko kay Billy.

"Eto kumakain. Hulaan mo kung ano?", sabi ni Billy sa kabilang linya.

"Hulaan ka pa dyan! Siomai yan noh?", sabi ko sa kanya. Ganyan si Billy, tatawag yan pag kumakain sya ng siomai.

"Haha. Oo! Galing ah", sabi ni Billy ng natatawa.

"Ini-inggit mo na naman ata ako eh kaya ka tumawag!", sabi ko sa kanya.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon