Chapter 25 [Part 1] - Back In The Game

144K 731 64
                                    

[Laureen's POV]

Umuwi ako ng bahay na sikat na ang araw. 7:00am na ng nakauwi ako. Pwede naman akong hindi umuwi dahil may damit naman ako sa condo ko kaso andito sa bahay ni Lolo ang gamit ko sa school.

Kaya pagkatapos ng mahaba, nakakakilig pero biglang lungkot na kwento ni Charms tungkol sa buhay pag-ibig nila ni Aaron, umuwi na din kami.

Nagtext pa ako sa mommy ni Charms na kasama ko si Charms buong araw para hindi sya mapagalitan pag uwi nya.

Thursday na. Whew!

Dumerecho na ako sa kwarto namin ni Luigi.

Walang tao.

Wala si Luigi at nakatupi na ang comforter sa ibabaw ng kama.

Ang aga nyang umalis? Oo nga wala din pala ang kotse nya pagparada ko ng sasakyan ko kanina.

Nahiga na muna ako sa kama ko, nagpahinga. Mamaya pa naman ako papasok hapon.

Nagunat-unat ako at ----

Naalala ko bigla ang bracelet ko na binigay ni Luigi sa akin.

Sheeeeeeet!

  


Nasaan na ang bracelet ko?

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagdating ko sa school nanood lang kami ni Charm ng singing contest kapalit ng attendace para sa isang subject. Pagkatapos ay sinamahan nya ako makipag-usap kay Jaycee para maitanong ko at malaman ko kung ano ang mga na-miss ko ng umabsent ako kahapon. Nag-practice na din kami ni Jaycee ng para sa talent portion.

Part si Aaron ng committee at pwedeng-pwede kaming magtanong sa kanya. Kaso sa lagay nila ni Charm, malabo.

Pagkatapos namin mag-practice ni Jaycee, umuwi na din ako. Nagpaiwan naman si Charm, dahil may practice pa sila sa cheering, last rehearsal daw. Ayaw talaga nyang umattend ng practice pero pinilit ko sya. Magpe-perform sila bukas sa school. May friendly match ang basketball team namin sa guest players ng ibang school.

Wala pa din ang sasakyan ni Luigi ng dumating ako sa bahay.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon