Chapter 22 [Part 1] - When The Going Gets Tough

155K 918 104
                                    

[Laureen's POV]

*Tugs tugs tugs tugs*

Kami ni Billy ang pinakahuling dumating sa bar.

"San kayo galing?", tanong ni Charms pagkadating namin ni Billy.

Ngumiti lang si Billy ng tipid. Ganon din ako.

"Dinner lang", sabi ko. 

Hindi ako makatingin ng derecho sa mga tao.

Umupo ako sa tabi ni Luigi. Ewan ko, basta umupo na lang ako sa tabi nya. May kung ano sa akin. Naghahalo ang kaba, guilt at isang matinding emosyon na nagtutulak sa akin para yakapin ng mahigpit si Luigi.

Umupo naman si Billy sa kabilang side ko.

Pinag-gigitnaan ako ni Billy at ni Luigi.

Para akong nate-tense na ewan.

"Anong gusto mo?", mahinang tanong ni Billy.

"What do you want?", tanong ni Luigi.

Sabay sila nagsalita.

Hindi na ko lumingon sa kanila, tinignan ko lang si Charm na nasa tapat ko, magkatabi sila ni Aaron pero sa malayo nakatingin si Aaron. At mukhang wala sa mood.

"O", sabi ni Jake at inabutan ako ng drink.

"Thanks Jake", sabi ko sa kanya.

* * * *

Nakailang baso ako, hindi ko na namalayan na sinisira ko na pala ang tissue na nasa table.

Tumunog ang phone ko kaya tinignan ko.

[From: Charm]

Ok ka lang ba bes? Baket ka nagsisira ng tissue? May problema ba?

Kilala talaga ako ni Charm. Napangiti ako ng tipid.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon