Chapter 14 [Part 1] - The Engagement

202K 1.6K 396
                                    

[Laureen's POV]

"Just stay close........I promise, that I'll do my best to make tonight less scary for you"

"Thank you Luigi", mahinang sabi ko sa kanya ng nakangiti.

Tumango si Luigi, "Pasok na tayo", sabi niya. Bumaba sya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.

Pagbaba ko ng sasakyan, agad kong inayos ang damit ko.

Tumingin ako sa bintana ng sasakyan ni Luigi para tignan ang reflection ko. Inayos ko na din ang buhok ko.

Hindi pwedeng mukhang bruha ako pagpasok ko don. Late na nga kami ng sobra eh.

"You're very beautiful tonight Laureen", narinig kong sabi ni Luigi.

Humarap ako sa kanya, nakatingin pala sya sa akin. At naka-suksok ang mga kamay nya sa bulsa nya.

Ngumiti sya ng bahagya.

Ngumiti din ako sa kanya.

"Tara", sabi nya.

Lumapit ako sa kanya. Nagsimula syang lumakad pero pinigilan ko sya sa braso.

"Teka lang", sabi ko. Pagkatapos ay umikot ako at humarap ako sa kanya.

"Why?", nakakunot ang noo ni Luigi.

Inayos ko ang bow-tie nya na nawala sa lugar, "Ayan, ok na", sabi ko.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Luigi for seconds pagkatapos kong ayusin ang bow-tie nya.

Masyado pala akong malapit sa kanya.

*Silence*

"*ehem* Thanks Laureen", sabi nya sa akin at ngumiti sya ng bahagya.

Tumango ako at ngumiti din sa kanya pabalik.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon