Chapter 19 [Part 1] - TLC

174K 1.2K 142
                                    

[Laureen's POV]

[Sunday]

Maaga kaming nagsimba ni Luigi. Pagkatapos ng misa, nagyaya sya pumunta sa mall kasi may bibilhin daw sya. Gusto ko sana mag-pass, ang sakit pa din kasi ng ulo ko eh. Pati na din ang ibaba ng likod ko. Pero sumama na din ako sa kanya.

"Anong bibilhin mo dito?", tanong ko kay Luigi.

"Snacks", sabi nya.

"Snacks para saan?", tanong ko sa kanya.

"Para sa bahay. Gamitin naman natin yung flat screen mo", sabi nya sa akin ng nakangiti.

"Movie marathon?", tanong ko sa kanya.

"Yes. Malapit na ko umalis diba? Ilang days na lang", sabi nya. Tipid syang ngumiti.

Oo nga pala malapit na dumating sina lolo at pagdating nila babalik na si Luigi sa condo nya. Nakaramdam ako ng lungkot bigla.

"Ok sige", sabi ko sa kanya. Ngumiti din ako ng bahagya.

Pumasok na kami sa grocery at namakyaw ng chichirya.

"Grabe Laureen, lahat yan?", tanong ni Luigi.

May nakalagay ng Cheetos, Doritos, Lays, Cheese Curls, Richee, at Roller Coaster sa basket namin.

"Oo, bakit naman hindi. Tsaka sakin lang lahat 'to ah!", sabi ko sa kanya.

"Takaw mo talaga!", sabi ni Luigi.

Ngumiti lang ako sa kanya.

Kumuha sya ng Pringles. Nilagay nya yon sa basket namin.

Kumuha na din ako ng juice ko. Si Luigi naman kumuha ng Gatorade.

"Ok na?", tanong ni Luigi sa akin.

"Yes", sabi ko.

"Sure ka? Wala ka ng nakalimutan ah. Baka kulang pa yan?", nanunuksong sabi nya.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon