Chapter 21 [Part 4] - Changed and Unchanged

152K 920 178
                                    

*hingang malalim.... punas-pawis*

-------------------------------------------------------------------------------------------------

[Laureen's POV]


"O, bakit may ganyan ka?", tanong ni Lance sa akin pagkakita nya ng boquet sa loob ng bag ko.

"Naks! Ang sweet naman ni Luigi. Ang sweet ni Honey!", nangaasar na sabi ni Ken.

Nasa parking lot na kaming lahat, don kami nagkita-kita.

"Hindi galing sa akin yan", sabi ni Luigi.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong sinabi ni Luigi.

"HA?", malakas na sabi ni Charms.

"Kanino?", tanong ni Ken, "Naku, patay ka Laureen-Hon", tumingin si Ken sa akin, "Itapon mo na yan"

"It's ok. Laureen can keep it if she wants to", sabi ni Luigi ng nakangiti ng bahagya.

"No.... Of course itatapon ko", sabi ko sa kanya. Nag-alala ako sa itsura nya. Syempre alam ng barkada na kami, hindi naman lahat sila alam na ang totoo. Naiintindihan ko may ego na kasama dito.

"Ok lang", sabi nya, "Masisisi ko ba sila kung magka-gusto sila sayo? Sa ganda mong yan Laureen", sabi nya at ngumiti sya ulit ng bahagya sa akin.

"Ayun naman!", sabi ni Ken sabay suntok pa sa braso ni Lance ng malakas, "Ganyan ang mga hirit!"

Sinuntok ni Lance pabalik si Ken.

Nag-smile si Luigi sa akin, "Car keys?", inextend nya ang isang kamay nya sa akin.

Ngumiti na lang ako kay Luigi at hinanap ang susi ng kotse nya sa loob ng bag ko, "Here", sabi ko kay Luigi pagka-abot ko sa kanya ng susi.

"Sakay ka na", sabi ni Luigi at pinasasakay na ako sa kotse nya.

Di ako nakagalaw agad.

Oh shit! Sabi nya kaninang umaga, sabay kami. Pero nakapag-promise naman ako kay Billy kanina na ipagda-drive ko sya.

Shet. Shet. Shet.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon