Chapter 1 [Part 2] - Luigi

307K 1.9K 49
                                    

On a nearby table...

 

“Yeah! Let’s have a toast for Migs! Graduate na sya sa pagiging babaero. Ewan ko kung sasabihin kong maswerte si Biancs sa kanya. Hindi ko na lang sasabihin na congrats, sasabihin ko na lang kay Biancs na GOODLUCK! Hahaha” tumatawang sabi ni Luigi sa buong barkada na nandoon para icelebrate ang pagpo-propose ng pinsan nya sa girlfriend nito.

“G*go ka talaga!” tumatawang sabi din ni Migs. “Napaka-g*go mo talaga! Well, nakahanap ng katapat eh, sabay tapik sa puso niya”.

Mas matanda si Migs ng 3 taon kay Luigi pero lumaki silang close mula noong bata pa sila. Magpinsan sila dahil magkapatid ang mga tatay nilang dalawa. Ilan lang kasi silang magpipinsan na lalaki sa buong angkan ng mga Lim. Yung natitirang dalawa pa ay nasa ibang bansa na.

“Asan ba si Biancs?", tanong ni Luigi.

“Nasa Cebu, may conference daw na pupuntahan”, sabi ni Migs.

“O, baka natauhan na at tumakas na habang maaga pa”, tumatawa ulit si Luigi ng sinabi nya ito.

“Loko-loko! Ang gwapo ko kaya!” masayang sagot ni Migs.

Nagtawanan silang lahat. Kasama pa nila ang tatlo pa nilang barkada, sina Jake na bestfriend ni Luigi, si Paul na bestfriend naman ni Migs, at si Rap na classmate ni Luigi simula nung 1st year college.

“Seryoso ka ba talaga bro na magpapakasal ka na?” tanong ni Luigi.

“Seryoso na talaga yan Luigi! In fact ilang buwan din naming hinanap yung ring na 'yon”, sabi ni Paul na kumindat pa kay Migs.

“Eh kasi naman tinutulad mo ‘tong pinsan mo sayo Luigi, palibhasa ikaw enjoy na enjoy ka sa pambabae mo” sabi naman ni Rap sabay inom ng beer.

“Hahahahaha, hinaan mo boses mo, baka madaming umiwas na chicks dito sa atin bro pag narinig ka!” sagot naman ni Luigi.

Nagtawanan ulit silang lahat sa sinabi ni Luigi. Napailing na lang si Jake sa sinabi nito. Simula pa lang kasi, bukod-tangi si Jake na hindi babaero sa magbabarkada. One-woman man ito pag may girlfriend, kaya madami ang nagtataka kung bakit naging bestfriend nito si Luigi na walang sineseryoso na babae.

“Sige na nga. Pero Migs, one last time, pakitaan mo kami ng bangis mo sa mga babae, dali na!”, panunukso ni Luigi sa pinsan. Kahit matanda ito sa kanya hindi nya ito tinatawag na kuya, na mismong si Migs ang may gusto.

“Wala, wala na”, sagot ni Migs.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon