Chapter 1 [Part 5] - Reasoning

290K 1.9K 176
                                    

LAUREEN’s POV

Hinatak ko sa braso si Charms papunta sa kotse ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng driver’s seat pero pinigilan ako ni Charms.

“Ako na ang magda-drive”, sabi ni Charms “Naka-inom ka at mukhang masama ang timpla mo, baka ibunggo mo pa tayo, sayang ang pinagpaguran nating tatlong taon sa college kung hindi naman tayo makakagraduate”.

“Ang OA bes ha”, sagot ko sa kanya.

“Maganda na nag-iingat”, sabi ni Charms.

Tama sya 3rd year college na kami ni Charms. BS Computer Science ang kinukuha naming dalawa. Nahatak ko si Charms sa course na ‘to. Pano ba naman kasi nung gumraduate kami ng high school, wala syang maisip kung anong gusto nyang course. Pero nagpromise na kami sa isa’t-isa na parehas kami dapat ng school na papasukan. At dahil nagagahol na din sya sa oras at siguro dala na din ng pressure ng mga kaibigan at pamilya nya, napa-oo na din ang bruha sa BS-CS.

At ngayon nga, isang taon na lang ga-graduate na kami. Pero parang nawalan ako ng gana nung narinig ko yung sinabi nya.  Ngayon para saan pa lahat tong pinagpapaguran ko, *echos*…Ang totoo nawawalan ako ng gana at kinakabahan dahil malapit na ulit magpasukan.  Ibigsabihin makikita ko na naman si Jeff sa campus. Paano kung magkasalubong kami? At susme, hindi malabo yun dahil bukod sa magka-school kami, magka-course pa kami. Pano na?

Inabot ko na kay Charms ang susi, ayokong kontrahin sya sa pagkakataong 'to. Takutin ba naman ako ng lola nyo eh. Naisip ko na lang sige na nga tama sya bad trip ako baka kung ano pa ang mangyari sa aming dalawa.

Pagpasok namin ng sa kotse, inumpisahan ako ng pagtatanong ni Charms.

“Bes, ang sakit ng braso ko ha, bakit ka ba nagmamadali kanina”, hindi sya tumitingin sa akin. Pinwesto na nya ang sarili para magmaneho.

Hindi ako umimik, di ko kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Isa pa naalala ko bigla si Jeff. Napatingin kasi ako sa shades na nakalagay malapit sa manibela. Kay Jeff ‘yon. Naiwan nya nung last time na sakay ko sya dito.

Napansin yun ni Charms. Wala talagang nakakaligtas sa mata ni Charms.

“Bes, galaw-galaw din. Di ka lalapitan nyang shades. Oh sige eto na nga”, at inabot nya sa akin yung shades. Kinuha ko naman ito mula sa kanya.

“Oh itapon mo na jan sa labas”, utos ni Charms.

“Ha? Bakit naman, sayang naman to bes noh! Orig to!”, sagot ko.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon