Chapter 29 [Part 6] - Firsts

135K 1.2K 179
                                    

[Laureen's POV]

“Welcome back Champions!”

Masayang salubong ng barkada sa amin. Sa clubhouse sa village nina Aaron at Charm kami dumerecho. May pinrepare daw sila sa amin na breakfast. Hindi kami champion, naka-dalawang bronze lang kami ni Jake. Pero para daw sa barkada kami pa din ang champion.

“Thank you guys!”, sabay na sabi namin ni Jake sa kanilang lahat.

Hinanap ko agad si Luigi pero di ko sya mahagilap. Kanina ko pa yun kino-contact. Huling usap namin ay kagabi pa.

Walang breakfast, lunch, merienda, dinner at good night ang lumampas na hindi nya ko tinawagan o tinext habang nasa Bacolod ako. Nag-facetime pa kami nung sinuot ko na ang official uniform ko for the game, at sabi nya ako daw ang pinakamagandang player na kinakabahan. Napangiti nya ako don.

“Asan si Luigi?”, tanong ko sa kanila.

Si Charm ang sumagot sa akin, “May kausap lang yun kanina sa phone eh, tignan mo don sa pool”.

Sinunod ko si Charm at doon ko nga nakita si Luigi. Saktong tapos na ang paguusap nila ng kausap nya sa phone nung magkatinginan kami.

“Hi hon!”, bati ni Luigi sa akin.

“Hello”, bati ko sa kanya.

Lumapit kami sa isa’t-isa, at nagyakap ng mahigpit.

“Kamusta ang flight?”, tanong nya sa akin.

“Ok naman”, sabi ko sa kanya, “Kumain ka na?”

“Hindi pa. Syempre hinihintay kita”, sagot nya sa akin. “I missed you!”, sabi nya kasabay ang pagpisil sa ilong ko.

“Na-miss din kita”, sagot ko sa kanya.

Naglakad kami pabalik kung nasaan ang mga barkada namin.

Sabay-sabay kaming kumain at nagkwentuhan ng kung anu-ano.

Pagkatapos na pagkatapos kong kumain, nagsalita agad si Luigi.

“Kidnapin ko muna girlfriend ko guys!”, sabi ni Luigi sa kanila atsaka ako inakbayan at niyakad maglakad papalayo sa grupo namin.

Girlfriend. :)

 

“Huy, san kayo punta?”, pahabol ni Charms.

“See you later Gi?”, patanong na sabi ni Jake kay Luigi.

Tumigil si Luigi sa paglalakad at humarap kami sa kanila. “Yes”, sabi ni Luigi.

And with that naglakad na kami ulit papalayo.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon