Chapter 29 [Part 1] - Firsts

155K 1.1K 393
                                    

[Laureen's POV]

Nakatitig lang ako sa nakabukas na lamp shade sa kwarto ko. Kanina ko pa yon ino-on at ino-off.

Luigi.... Maliwanag ba ngayon sa kwarto mo? Nakabukas ba ang ilaw at mahimbing ka ng natutulog?

Biglang pumatak ang mga luha ko sa mata.

Tulog ka na ba? Kasi ako hindi makatulog kahit patayin ko ang lahat ng ilaw sa kwarto ko. Dati naman akong ganito matulog, pero nung dumating ka, sinanay mo akong may ilaw.

Paano na Luigi?

Nakaupo lang ako sa kama, katabi ang comforter na ginagamit ni Luigi at hinahaplos-haplos iyon.

Hindi ko pa din mapigilan na mapaluha.

Naalala ko ang unang gabi na dito sya natulog sa kwarto ko. Tinulak ko sya sa kama, nahulog sya at nagsungit sa akin.

I smiled a bitter smile.

---------------------------------------------------------------------------------------

[Luigi’s POV]

Gabi na pero hindi pa din ako makatulog.

Pabali-balikwas ako sa higaan. Parang naging masyadong malaki ang kama ko.

Kanina ko pa din pinapatay-sindi ang maliit na lampshade sa side table ko.

Kaya tumayo na lang ako at pumunta sa maliit na bar counter ko. Kumuha ng alak, pumunta sa sala, naupo sa couch at nagbukas ng TV.

"Miss pakipot, TV ka ba na walang antenna? Kasi ang labo mo eh"

"Eh ikaw, aircon ka ba? Kasi ang presko mo eh, ang lakas ng hangin...."

Napailing ako ng masagi ang unang pagkikita namin ni Laureen sa bar.

Yan ang sinabi namin sa isa't-isa, at don nya ko unang sinampal.

Napainom na lang ako sa alak na hawak ko. At pinatay ang TV.

-----------------------------------------------------------------------------------

Nagising na lang ako ng may umaalog sa katawan ko.

"Gising na sleepy head!"

Ibunukas ko ang mga mata ko. Pero kahit nakapikit ako, kilala ko ang boses na yon.

"Kars...."

Winagayway ni Kara ang duplicate key ko na ibinigay ko kay Jake simula nung tumira ako kina Laureen para makakapasok pa din si Jake sa condo ko, in case may kelangan sya.

"Now, get up and take a bath! And for God's sake bakit sa sahig ka natutulog! Ang laki-laki ng kama mo!"

"Nahulog ata ako"

"Tigilan mo ko sa mga excuses mo Luigi, ano ka bata para mahulog sa sahig? Hindi ka din naman mukhang lasing na lasing!"

"Lagot ka ngayon kay Kara Isabelle", sabi ni Jake sa may pinto.

"O Jake, dito ka din?", nagkakamot ako ng ulo habang umuupo.

"Reinforcement", sabi ni Lance na nakasandal sa may pinto.

"O Lance, ikaw din pala nandito"

Sumaludo lang sa akin si Lance at sumalampak na sya sa kama ko.

"And I'm back!"

Natulala ako sa taong pumasok sa loob ng kwarto ko.

"Napaka-kalat naman dito. Kelan ka pa naging makalat Gi?"

Max?

-------------------------------------------------------------------------------

"What brought you back to the Philippines Max?"

"You! Of course, ikaw Gi!"

"Stop playing games with me please"

"Hindi ka pa din nagbabago, masungit ka pa din!"

"Max!"

"Alright, alright! Relax!”, sabi ni Max sa akin na nakataas ang dalawang palad. “She's back Gi. Kaya nandito na din ako sa Pinas. Sabay kaming umuwi"

Napalunok ako sa sinabi nya.

"Nicole's back"

-------------------------------------------------------------------------------------

;) Til Next!

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon