Chapter 10 [Part 1] - Guilt

184K 1.1K 73
                                    

[Laureen's POV]

Tumunog na ang alarm clock ko.

Haaaay. Papasok na naman sa school.

Umupo muna ako sa kama atsaka inayos ang hinigaan ko.

Pumapatak ang tubig sa shower.

"........"

Tumigil ang pagpatak ng tubig. At lumabas ng cr si --------LUIGI?

Oh sheeeemms! Kasama ko nga pala si Luigi dito ngayon!

Nakatapis lang ito ng tuwalya.

Napatingin lang ako sa kanya. At hindi ko agad natanggal ang mga mata ko sa pagtitig sa katawan ni Luigi. Homaaaygaaaaaad! Ano 'to? Pang-good morning Laureen?!?

"O gising ka na pala", sabi nya.

Tumango lang ako ng mabagal.

*Snap*

Nag-snap sya ng fingers sa mukha ko, sabay sabi ng ,"Huy Laureen!"

"Huy Laureen!", napasigaw ako, at yung pangalan ko ang naisigaw ko. Hahahaha. Nagulat kasi ako.

[Singit si Author: Nai-imagine ko ito na nasabi nya yung sarili nyang pangalan. Natatawa ako. Di ako makapag-type. Sorry. Hahaha. O sige magta-type na ulit ako]

"Ano bang nangyayari sa'yo? Ang aga-aga wala ka sa sarili mo", sabi ni Luigi.

"Hindi ah. Antok pa kasi ako eh. Sige ligo na 'ko", dali-dali akong pumasok sa cr.

What the! Waaaah! Uma-umaga na bang ganito? Waaaah! Halos madulas ako sa cr sa pangangatog ng tuhod ko.

Paglabas ko ng cr, nakabihis na si Luigi. Nakita ko din na may isang malaking bag ng damit sa tabi ng kama ko. Sa kanya siguro.

Tahimik lang ako na dumaan sa harap nya at kumuha ng damit sa cabinet ko. Pumasok ulit ako sa loob ng cr at mabilisang nagbihis. Dress lang naman 'yon kaya mabilis isuot.  Buti na lang talaga may mga damit ako dito. At magagamit ko na ngayon yung mga pinamili sa akin ni Lolo dati.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon