Chapter 20 [Part 1] - Steps

166K 1.6K 601
                                    

Pasigaw muna....

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!

----------------------------------------------------------------------------------------------------

[Laureen's POV]

"Si Billy yun?", tanong ni Luigi sa akin.

"Oo si Billy yon", sabi ko sa kanya.

"Aaaaah. Tara na", yaya ni Luigi sa akin.

Nagpunta kami ni Luigi sa may garden ni Lolo, na katapat ng pool.

Maganda ang liwanag ng buwan sa langit. At malamig sa mukha ang hangin.

Kinuha nya ang isang lamesa sa may pool side, doon namin pinatong ang iphones naming dalawa. Pati na ang MacPro nya. Nagda-download na sya ng music na ginamit sa practice.

Malapit na daw matapos, kaya umupo muna kami.

Nakatingin sa buwan si Luigi at nakasuksok ang mga kamay nya sa bulsa nya at halos parang nakahiga na sa upuan. Ako naman nakapangalumbaba at nakatingin sa may tubig sa pool.

"Laureen", narinig kong mahinang sabi ni Luigi.

"Mmm", sabi ko.

"You  -- and  -- Billy....", sabi nya.

"Yes?", sabi ko, tumingin ako sa kanya.

"Sobrang close nyo noh?", sabi nya at ngumiti sya ng bahagya sa akin.

"Oo naman. Si Billy ang first guy na naging super close sa akin", sabi ko sa kanya.

Tumango-tango sya, "I see", sabi ni Luigi.

"Maalaga kasi yun si Billy, yung tipong secured ka pag nandyan sya", sabi ko sa kanya.

"Pansin ko nga", sabi ni Luigi, "He's a good guy", sabi nya pa at ngumiti ng tipid sa akin.

"Sinabi mo pa.... Sobrang bait non...." sabi ko.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon