Chapter 10 [Part 2] - Clueless

183K 1.2K 106
                                    

[Laureen's POV]

Hindi ako nakatulog agad. Pinagmasdan ko si Luigi na kasalukuyang nasa sahig at natutulog. Pinatay ko ang main na ilaw ng kwarto pero binuksan ko ang lampshade.

Hindi ko tuloy alam kung dahil ba yun sa liwanag mula sa lampshade kaya ako hindi makatulog o dahil nakakaramdam ako ng guilt sa nangyari kay Luigi. Tapos ngayon nagtya-tyaga sya sa sahig matulog.

Pabali-balikwas ako sa higaan. Naglaro na nga ako ng games sa iphone para sumakit na ang mata ko.

Maya-maya pa, dinalaw din ako ng antok.

 -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 Nagising ako ng maaga. Kahit na late na ko nakatulog.

Tulog pa si Luigi sa sahig. Parehas kaming walang practice ngayon. Sabi ni Jake wala daw practice ng badminton. Sabi ni Billy kay Aaron, wala din daw practice ang basketball team.

Lumabas ako ng kwarto at sinilip si Lolo. Tulog pa din ito.

Dumerecho ako ng kusina. Nakita ko doon si Manang Lydia.

"O, ang aga mo naman hija", sabi nito sa akin.

"Oo nga po eh".

"Nagugutom ka na ba? Magluluto pa lang ako", sabi nya.

"Wag na po manang, ako na lang po", sabi ko sa kanya.

"Ako na Laureen", sabi nya.

"Manang, ako na po. Sanay naman po ako diba? Sa condo ko nga mag-isa lang ako eh", sabi ko sa kanya ng nakangiti.

"Sigurado ka jan hija ha?", tanong nya.

"Opo".

"O sya sige, mamamalengke na lang muna ako", sabi nito sa akin.

Naghagilap ako ng food sa ref.

Wala.

May isang particular na bagay akong hinahanap.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon