(Billion years ago)
3rd Person's Point of View
May nagsasalpukang pagsabog sa kalawakan. May nangyayaring labanan sa pagitan ng Terestial at ang isang hindi kilalang nilalang. Ang Terestial ang tagabantay ang tagabantay ng kalawakan at sya ang magiging mata ng bawat kalawakan at ang ibang dimension.(Terrestial, The Alien God)
(Credits: Google)
Sobrang laki ng terestial. Sa sobrang laki nito, kaya nya hawakan ang isang kalawakan gamit ang isang kamay nya. Kaya nyang paliitin ang sarili nya kagaya ng tao at kaya nyang maging Malaki.
Sa ngayon, kinakalaban sya ng isang hindi kilalang nilalang at sobrang lakas neto. Kasing liit lang sya ng isang tao, pero nagagawa nyang labanan ang Terestial dahil sa kanyang kapangyarihan. Patuloy lang silang nag laban at napuno na ng galit ang kalaban ng terestial. Inipon nya ang buong lakas nya para atakihin sya, pero inaabot pa ito ng ilang minuto bago matapos. At doon na nakahanap ng tiyempo ang terestial para sya ay talunin. Habang iniipon ng kalaban ng terestial ang kanyang kapangyarihan, ginamit ng alien god ang kanyang sandata na tinatawag na "OATHBREAKER" ang pinaka malakas na sandata sa buong mundo. Nagawa ng terestial na hulihin ang kanyang kalaban at kinulong ito sa Black Hole at doon na nagtatapos ang kanilang laban. Doon narin nagsimula ang sinasabi nilang....... BIGBANG.
(Year 20th BC)
Ilang taon na lumipas pagkatapos ng pagsabog. Nagkaroon ng mga planeta ang bawat universe. Naalala ng terestial ang laban nya noon bago pa magkaroon ng bigbang. Naisipan nya na gumawa ng mga tagabantay ng mga planeta.
Gumawa sya ng isang planeta na tinatawag na SAPIRO. Nilagyan nya ng mga makapangyarihang babae ang planeta na iyon at sila naman ang tinatawag na SAPIRONIANS.
Ang sapironians ay mga mandirigmang babae na merong kapangyarihan na magiging tagabantay sa kalawakan sa mga mangyayaring gulo at gera. Binigyan ng terestial ang mga sapironians ng isang makapangyarihang batong hiyas.( Credits: Google)
Binigay ito sa isa sa mga sapironians. Ang pangalan ng sapironian na nakatanggap ng bato ay Silda.
"At dahil sya ang unang nakahawak ng bato, sya ang magiging reyna ng planeta na ito." sabi ng Terestial. Lumuhod lahat ng sapironian sa harapan ni Silda.
"Paalala lang, reyna ng mga sapironian, huwag na huwag mong ipapahawak sa kung sino-sino ang batong iyan dahil pwede nila maagaw ang kapangyarihan nayan. Lalo na sa kalaban. Ikaw lang ang pwedeng humawak nyan at wala ng iba. At gagamitin mo nyo iyan kung sakaling bumalik ang aking mortal na kalaban. Para kung sakaling wala ako sa tabi nyo, meron kayong pang laban sa kanya." Sabi ng Terestial.
"Masusunod" Sagot ng reyna.
"Binigay ko sainyo yan dahil kung sakaling bumalik ang aking kalaban noon at sa oras na wala ako, pwede mong gamitin iyan pam patalo sa kanya" sabi ng Terestial.
"Masusunod po" Sagot ng reyna.
At doon na naglaho ang Terestial.
BINABASA MO ANG
Sapphire
FantasyNaranasan nyo naba mabigo, masaktan, at bumangon muli? Ganun din si Violet sa nakaraan nya, pero nagbago ang lahat nang mahawakan nya ang isang makapangyarihang bato mula sa kalawakan. Hindi nya alam na meron pala itong kapangyarihan. Ano kaya ang m...