Violet's POV
"Kamusta? maari ko ba malaman ang iyong pangalan? " sabi nung babaeng may magandang suot. Parang kilala ko sya?
"Um...Ano ah...." Bwisit! bakit hindi ako makapag salita?
Napansin kong parang inaabangan nya ang aking sagot.
"V-Violet Valir po"
"Violet pala ang iyong pangalan. Napaka ganda naman" Sabi nya habang tumatango.
"Bagay sayo ang kulay ng buhok mo" Ayaw ko talaga napapansin ng iba ang kulay ng buhok ko.
"S-salamat po. Teka, kilala ba kita? Para kasing nakita nakita noon?"
Napangiti sya saakin.
"Oo at hindi "
Huh? ano ang ibig nyang sabihin?
"Oo, dahil nakita mo na ako sa panaginip mo. Hindi, dahil hindi pa tayo nagkikita ng personal."
Ibig sabihin...
" Ibig sabihin....ikaw yung- "
"Oo, ako yung nanghihingalong reyna na nakita mo sa panaginip mo."
Sabi na eh. Kaya pala parang alam ko sya. Pero ano ba ang pangalan nya?
"Pwede nyo po ba saakin sabihin kung sino po kayo at bakit po kayo nagpapakita sa panaginip ko. Medyo na weweirduhan ako sa mga nakikita ko sa panaginip ko eh. At hindi ko rin po alam kung papaano po kayo nakapasok dito "
" O sige, ipapaliwanag ko sayo mabuti kaya makinig ka sa mga sasabihin ko. "
Tumango ako sa kanya.
" Ako ay si Silda, reyna ng mga sapironians. Nakatira sa planetang sapiro bago pa sumabog ang planetang iyon at tungkulin naming protektahan ang bawat planeta dito sa mundo. At isa sa pinorprotektahan namin ay ang batong Colecrinite o batong hiyas. Isa sa mga pinaka malakas na kapangyarihan sa buong mundo. Inutusan ko ang bato na hanapin ang nararapat na mapapagpasahan nya ng kapangyarihan. "
Bigla kong naalala yung panaginip ko na may hawak syang bato at bigla rin sumagi sa isip ko ang napagkamalan naming shooting star at bulalakaw. Teka, ang ibig sabihin ba non ay...
"Oo, tama ang naiisip mo. Ang batong nahulog dito sa planeta ay ang batong hiyas. Ayun rin ang dahilan kung bakit nag iba ang kulay ng buhok mo."SHOCKS!! Ayun pala ang dahilan!!!
"Bakit po ako ang napili ng bato? Bakit po sa lahat ng nilalang, ako pa? at ano po ba ibig sabihin nung nakulayan ang buhok ko ng kulay pink ? " Tanong ko.
" Una sa lahat, babae ka, dahil babae lang ang napagkakatiwalaan ng bato. Kapag ito'y napunta sa lalaki, pwedeng mag rebelde ang bato o maging masama. At sa tinatanong mo kung ano ba dahilan kung bakit nakulayan ang buhok mo, ayun ay dahil nasayo na ang kapangyarihan na gustong agawin ng iba. "
So ibig sabihin....may superpowers ako??!!!!
"Ibig sabihin po ba non may superpowers ako?!!"
" Oo, kaya gamitin mo ito sa tamang paraan. Dahil baka maagaw ito ng kalaban at iyon ang mission mo "
"M-mission?? Sino po ba ang kalaban na tinutukoy nyo? "
"Ang reyna ng mga myriads at ang dati kong kaibigan, si Debra. "
" Bakit naman nya gusto kunin ang kapangyarihan ng bato? "
"Dahil gagamitin nya iyon sa kasamaan at balak gawing alipin ang buong kalawakan. "
"Bakit po pala naging masama ang kaibigan nyo? "
"Ayun ay hindi ko din alam. Bigla nalang syang nagbago at bigla nalang nyang gusto kunin ang bato saamin. Masyado syang malakas kaya hindi ko sya napigilan "
Parang bigla akong kinabahan.
"So, ang ibig sabihin po pala, totoo lahat ang panaginip ko? "
"Oo, binibigyan ka ng mensahe ng bato kaya ka nanaginip ng ganun. Kaya maghanda ka, Violet. Bago pa mahuli ang lahat at bago pa malaman ni Debra na andito ang hinahanap nya. "
"T-teka, ano po ba kailangan kong gawin? "
"Kailangan mong matuto kung papaano gagamitin ang kapangyarihan mo at kung papaano mo ito kokontrollin. "
"T-Teka lang !p-papaano ko po malalaman ang kapangyarihan ko? at kung papaano ko po ito ma kokontroll ? papaano kung mali ang napili ng bato saakin? " Mga tanong ko dahil litong-lito na ako. Medyo na ooverthink na ako sa usapan namin.
Nakita kong ngumiti sya saakin.
" May tiwala ako sayo na ma kokontroll mo iyan bago dumating si Debra dito sa mundo nyo. Basta maghanda ka lang"
Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya kaya tumango nalang ako.
" May tanong papala ako."
"Ano yun? "
"Pa-papaano ka pala nakapasok dito sa bahay namin? At bakit hindi nalang ikaw ang humarap sa kalaban? "
"Dahil patay na ako. Ilang dekada ng nakalipas"
.....
.....
.....
.....Tama ba yung narinig ko??
"P-patay...so ibig sabihin, isa ka ngang MULTO??!!! "
Nakita kong tumawa sya ng mahinhin at tumango sa sinsabi ko."Huling tanong ko lang, papaano po pala maibabalik sa normal na kulay ang buhok ko? Kailangan ko po kasi maghanap ng trabaho dahil baka hindi ako ma tangga- "
*KNOCK! KNOCK! *
Napatingin ako sa pinto dahil may kumakatok.
"Violet, sino kausap mo dyan?? " boses ni mom yon.
Haharap sana ako ulit kay reyna Silda, pero wala na sya. Tumayo ang balahibo ko. Hindi ko akalain na may makakausap akong multo dito sa cr, pero muka naman syang mabait kaya wala naman sigurong dapat katakutan."VIOLET !! "
"Andyaan na po! " Lumabas na ako ng cr dahil baka mapagkamalan akong baliw ni mommy.
"Sino ba ang kausap mo doon? Tyaka bakit mo naman kasi ni locked yung pintuan dyan? " Tanong ni mom.
"Wala lang mom, napagpasyahan ko lang kausapin yung sarili ko hehehe. "
"Baliw kana ata eh "
-_- galing
"Kumain kana sa baba, lalamig na ang pagkain kapag hindi kapa nag almusal. Hindi kana nga nakapag hapunan kagabi, magpapalipas kapa ng gutom ngayon " Dagdag nya pa.
"Sige po " bumaba na kame at nakita ko ang mga nakahandang pagkain sa lamesa.------------------------------------------------------------------------------------------
*Cough ! Cough! *
"Oh, dahan - dahan lang kasi " Sabi ni dad.
"P- *Cough! * pasensya na po" sabi ko sabay inom ng tubig.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil natatakam ako sa pagkain. Parang ilang taon akong hindi kumain. Hindi kaya epekto din ito ng bato? Sa pagkakatanda ko kasi sa sinabi ni reyna Silda kanina, ilang dekada na daw syang patay, so ibig sabihin, masyado na palang matagal yung pangyayaring nakita ko sa panaginip ko?Ibig sabihin din pala matagal nag antay ang bato para sakin? Wow naman. Special pala ako.😊
"Ano pala balak mo ngayon, Violet? " Tanong ni Dad.
"Lalabas po muna siguro ako para makapaghanap ng trabaho. Kahit simple lang muna para kahit papano'y may pagkakakitaan naman ako"
Tumango sya saakin.
"Maganda yon, basta mag iingat ka paglabas mo ha? " Tumango nalang ako pabalik sa kanya.
Next chapter.....
![](https://img.wattpad.com/cover/307081116-288-k446861.jpg)
BINABASA MO ANG
Sapphire
FantasyNaranasan nyo naba mabigo, masaktan, at bumangon muli? Ganun din si Violet sa nakaraan nya, pero nagbago ang lahat nang mahawakan nya ang isang makapangyarihang bato mula sa kalawakan. Hindi nya alam na meron pala itong kapangyarihan. Ano kaya ang m...