Chapter 29

1 0 0
                                    

3rd Person's Point of View

Lumipad sila reyna Silda at Violet para puntahan si Miya. Binilisan ng reyna ang kanilang pag lipad kaya hindi nagtagal ay nakarating narin sila. 

Pagbaba nila, nakita nila si Miya na tila nanginginig kaya agad na lumapit ang kaibigan neto. 


Violet's POV

" M-miya ? Ayos ka lang ba? Ano ang nangyari sayo bakit ka nanginginig ? " Hindi lang sya basta nanginginig. May mga kulay itim na dumadaloy sa mga ugat ng katawan nya.

" Masama ito. Kailangan na syang madala sa pagamutan ngayon na ! " rinig ko ang sabi ni reyna Silda.

Kaya agad na kameng umalis at dinala sya sa hospital.

------------------------------------------------------------------------------------------

Andito na kame sa hospital at inaantay nalang namin lumabas ang doctor. Buti nalang at napulot ni reyna Silda ang wig na tinanggal ko kaya suot - suot ko ngayon ito. Hindi ko na matandaan kung saan ko tinanggal ito basta ko nalang binitawan. Panigurado kung wala akong wig na suot ngayon, malamang hindi kame makakapasok sa hospital ngayon at pinagfiefiestahan ako ng mga tao. Malamang sa malamang at nakaabot na sa balita yung laban namin ni Debra kaya impossibleng hindi pa nila ako pinaguusapan sa buong mundo lalo na sa media.


* Door open *

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at lumabas na yung doctor. 

" Doc, kamusta po ang kaibigan ko ? "

" Ms. Valir, hindi po namin alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Wala pa po lunas ang pwedeng ilagay sa katawan nya para mapigilan ito. "

....

" Lunas? ano po ibig nyong sabihin ? "

" Ayon sa nakita ko sa kanya, isang hindi kilalang lason ang pumasok sa katawan nya at ngayon ko palang ito nakita sa buong buhay ko. Kailangan agad maagapan ang lason sa katawan nya. Dahil kung hindi, mamatay sya in 24hrs. "

"Ibig sabihin po...may taning po ang buhay nya? "

"Parang ganun na nga "

" Magagawan nyo po ba ito ng paraan, doc? "

" Susubukan namin gumawa ng lunas sa lalong madaling panahon. Excuse me " At doon na sya umalis.

Agad ako pumasok sa loob at nakita ko si Miya na nagaagaw buhay ngayon.

* Sniff *

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mapaluha dahil hindi ko kayang nakikita ang kaibigan ko na nasa bingit ng kamatayan.

" Tatagan mo ang loob mo "

Napatingin ako sa nagsalita at si reyna Silda pala iyon. Kasama ko pa pala sya. Bigla akong napaisip...

" Mahal na reyna, hindi ba kaya mo gamutin ang mga sugat at galos ko? Baka pwede mo ring gawin sa kanya para mawala ang lason. May taning na ang buhay at mamatay sya kung hindi natin ito maagapan "

Pero tinignan lang ako ni reyna Silda at bumuntong hininga sya.

" Hindi ko magagawa iyon kahit na gawin ko pa sa kanya. Isang paraan nalang ang kailangan mong gawin para mawala ang sakit ng kaibigan mo. At iyon ay talunin si reyna Debra-- "

" PURO NALANG SI REYNA DEBRA !! REYNA DEBRA DITO ! REYNA DEBRA DOON !  SINABING HINDI KO SYA KAYA TALUNIN AT NAPAKALAKAS NYA !  HINDI DAPAT AKO ANG PINILI NG BATO DAHIL MARAMING MAS MALAKAS SAAKIN.  MAHINA LANG AKO !  WALA AKONG SAPAT NA LAKAS, WALA AKONG SAPAT NA KAKAYAHAN, AT WALA AKONG SAPAT NA KAPANGYARIHAN TYAKA LAKAS NA LOOB DAHIL....dahil....*Sniff * B-b-babae lang ako.... "


Hindi  ko nanaman mapigilan ang sarili ko at bigla nalang lumuha ang mga mata ko. Napaluhod nalang ako dahil hindi ko na kaya ang pangyayari.  *Sniff * Sana ako nalang ang nakahiga dyaan at hindi ang kaibigan ko. 

*Sniff *

.....
.....
.....

HALA SH*T Nasigawan ko pala si reyna Silda. (⊙_⊙;)

Agad ako humarap sa kanya at lumuhod. 

" P-p *sniff * Pasensya na po ! Hindi ko po sinasadyang masigawan kayo, mahal na reyna "

Pero wala akong narinig na sagot sa kanya. Shyet. Mukang nagalit ko ata siya--


" Pfft.."

.........

Ako lang ba o parang naririnig ko na nagpipigil tumaw-- 

" HAHAHHAHAHAHAHAH "


ಠ_ಠ ?

Ano meron bakit sya natatawa? May masama ba ako nasabi? May dumi ba sa muka ko kung bakit sya tumatawa?....O HINDI KAYA PAGKATAPOS NAY TUMAWA TYAKA AKO PAPATAYIN ? (⊙_⊙;)

Pero patay na sya dba?

" HAHAHAHAHAhahaha...P-Pasensya na Haha. Ngayon lang ulit ako tumawa ng ganito " Sabi nya ng nakangiti. Mukang hindi naman sya galit...ata? 

"Pasensya na po sa pagtatanong, pero hindi po ba kayo galit saakin ? "

" Ako ? Magagalit? hahaha hindi. Natawa lang ako sa mga pinagsasabi mong Mahina ka. HAHAHAHAHA "

ಠ_ಠ <- me

" Ehem ! Pasensya na dahil natuwa lang ako sayo. Alam mo, lahat ng pinagsasabi mo ay kabaliktaran sa nakikita ko at sa nakikita ng bato sayo. Alam kong hindi sya nagkamali na ikaw ang piliin nya dahil alam ng bato ang kanyang pipiliin at binabase nya ito kung gaano kalinis ang puso ng pagpapasahan nya ng kapangyarihan.  "

Hindi ako sumagot dahil mukang may sasabihin pa sya.

" At dapat hindi mo kinahihiya ang pagiging babae mo. Kasi ang tunay na babae, hindi dumedepende sa lakas okapangyarihan na meron sya. Ang tunay na babae ay lumalaban kahit na alam nya'ywala syang lakas para talunin ang kalaban. You are a woman that's your superpower. Babae ka, Hindi babae lang "

At doon na sya naglaho.....


Parang bigla akong nakaramdam ng motivation saaking katawan.

Pero tama sya ! Babae ako at hindi babae lang ! 

Napatingin ako sa kaibigan ko na nakahiga.

" Ipaghihiganti kita, Miya. Hahanap ako ng lunas para sayo " Sabi ko at umalis na ng hospital.

------------------------------------------------------------------------------------------

" Oh, nakarating kana pala. Saan kayo galing at ginabi ka ng uwi ? "

Hindi ko na pinansin si mom dahil agad ako dumeretsyo saaking kwarto. 

Agad kong hinanap ang regalo ni Miya saakin. At hindi nagtagal ay nahanap ko rin ito.
Nagpasya akong magpalit ng damit at suutin ang bigay nyang regalo saakin. Hindi na ako nakakaramdam ng hiya sa damit na ito dahil pakiramdam ko'y kasama ko si Miya sa labanan.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at napansin ko na may wig pa pala akong suot kaya agad kong tinanggal iyon.


Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at napansin ko na may wig pa pala akong suot kaya agad kong tinanggal iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  Bagay naman pala saakin eh. Muka akong superhero. 

Agad kong binuksan ang bintana at lumipad paalis.


Reyna Debra, humanda ka !



Next Chapter.....

SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon