Naranasan nyo naba mabigo, masaktan, at bumangon muli?
Ganun din si Violet sa nakaraan nya, pero nagbago ang lahat nang mahawakan nya ang isang makapangyarihang bato mula sa kalawakan. Hindi nya alam na meron pala itong kapangyarihan. Ano kaya ang m...
Agad akong lumabas ng bahay para maghanap ng trabaho. Andito ako ngayon siyudad. Siguro naman may mahahanap akong trabaho dito no?Teka, anong nga bang trabaho ulit aapplyan ko? Ay shocks!! Nakalimutan kong mag search sa internet kung anong klaseng trabaho ang pwede kong applyan!! Ang engot ko talaga minsan.
Na distract kasi ako ni reyna Silda kanina. Ayoko na muna kasing mag trabaho sa kompanya ulit dahil ayokong ma stress. Kaya nag pasya muna ako na maghanap ng maliit na trabaho.
"Oi ano ba! pumila ka nga! "
"Ikaw itong sumisingit eh! "
"Hoy! pumila na ngalang kayo "
Tumingin ako sa mga taong kanina pang nagsisigawan at nakita ko na ang haba ng pila nila. Ano ba meron doon ?
Nakita ko yung babaeng nakapila sa hulihan. Baka pwede ko sya matanong kung ano ba talaga nangyayaring pila dito sa labas.
Agad ako lumapit sa kanya.
"Miss? "
Tumingin sya saakin.
"Yes? "
"Tanong ko lang kung ano ba ang nangyayaring pila dito? "
"Aahh ito ba? Naghahanap kasi yung pinaka famous cafe dito sa siyudad, ang Baepsae Cafe. "
Baepsae... Baepsae... Baepsae...
Parang kanta ng Bts yon ah?
"Oo ! tama ang narinig mo. Baepsae ang pinangalan ng may ari dito dahil masyadong fan ng bangtan sonyeondan ang may-ari nito. May mga rumor nga na may halo daw syang korean eh. Tyaka maganda ang service nila at masasarap ang pagkain. Higit sa lahat, medyo maganda ang pinapasweldo dito. Hindi mataas at hindi rin mababa. Sakto lang"
"Aah ganun po ba? Salamat"
"Walang anuman, pero kung mag aapply ka dito, sa tingin ko bawal yung kulay ng buhok mo. Ang pwede lang na kulay daw dito sa trabaho ay black at itim lang. Kahit na kpop fan yung may-ari dito, kailangan formal padin daw ang magtratrabaho doon "
Shyet ! nakalimutan ko yung kulay ng buhok ko!
"S-sige po salamat" Agad akong umalis.
Kasi naman eh. Bakit naman kailangan pang magbago ng kulay ng buhok ko dahil lang sa bato? Mukang permanente na ata ito eh. Ni hindi nga magupit at makulayan. Teka ano bang pwedeng gawin dito sa buhok ko?
hmmmm.
Naglibot-libot na ako baka sakaling may mahanap ako na paraan at....AYUN!! may nakita akong nagbebenta ng wig. Siguro pwede ko itago yung kulay ng buhok ko sa bagay na iyon. Agad akong lumapit sa nagbebenta ng wig.
"Kukunin ko yung black " Sabi ko.
" 2 dollars po ang presyo nyan "
Binigay ko ang pera sa kanya at agad na isinuot ito. Nilabas ko ang salamin ko at muka na ulit akong normal dahil sa wig na ito. Bumalik na agad ako sa mahabang pila. Subukan lang na merong sumingit dito, talagang makakatikim sila saakin.
Nangangalay na ako kakatayo dito. Anong oras naba....1:00 pm na.
*Growwwlll*
Nagugutom na ako. Sana naman matapos na itong pila para makapag interview na ako. Ganun ba talaga kasikat ang cafe dito? Sa tingin ko sumikat lang talaga ito dahil sa pangalan na mula sa kanta ng bangtan. Akalain mong may makikita akong ganito sa lugar na ito.
*Growwwlll*
Nagugutom na talaga ako.
"Next ! "
Sana pala nagdala ako ng pagkain.
"Next ! "
Parang ang sarap kumain ng samgyupsal ngayon. Matagal-tagal narin akong hindi nakakaain.
"Next ! "
Ang sarap siguro non no? Natatakam na ako ngayon sa mga iniisip ko.
"SINABING NEXT!! PAPASOK KABA O HINDi?!! "
"Ay ! Ako po! s-sorry po "
Hindi ko napansin na kanina pa pala ako tinatawag. Hindi nyo manlang sinabi !! ------------------------------------------------------------------------------------------
"Tanggap kana " Hay salamat naman. Buti tanggap ako. Medyo mahirap ang mga tanong nya kanina.
"Maraming salamt po! "
Akalain mong gumana ang utak ko sa oras na ito pagkatapos ng mahabang pila. Partida nagugutom pa ako ha? HAHAH
" Pwede kana mag simula bukas at ito ang uniporme mo sa trabaho na ito " Binigay nya saakin ang uniporme ako.
Ito ang itsura nya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Credits : Google ) Maganda sya. Bagay na bagay ito saakin.
"Maraming salamat ulit! "
Mabait naman din pala yung boss ko. Ok na ito kesa doon sa luma. Parang mayaman sya base sa itsura nya.
Ito pala itsura ng loob ng cafe.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Credits: Google)
Maganda din sya. Bias nya daw si Kim Seokjin kaya daw ganyan. Masasarap din ang pagkain dito kaya gustong - gusto ng mga customer dito. Dalhin ko din kaya si Miya dito? Alam ko army din sya na may halong blink eh. Shiniship nya pa nga daw si Jungkook pati si...Lisa manoban ba pangalan non? Yung mukang manikang babae na mukang foreign.
Basta yun. Isa din ito sa kinaadikan nya. Ako naman. nakikinig lang ako ng music nila kapag trip ko. Hindi naman kasi ako masyadong fan nito, pero inaamin kong astig sila.
"Mauuna na po ako" Paalam ko sa boss ko at umalis.
"Mam, mukang kailangan nyo na pong bumaba. " Sabi ng taxi driver. Sumakay kasi ako ng taxi para mapabilis ang byahe ko pauwi.
"Huh? Bakit naman? "
"Hindi po ako pwede dumeretsyo dyan dahil may inaayos daw po sa kalsada."
"Ay ganun po ba? Sige po. Ito na po ang bayad" Inabot ko ang bayad sa kanya at bumaba.
Malas naman oh. Gabi pa naman.
Mukang kailangan ko ulit pumunta sa short cut na dinaanan namin ni Miya.
Pumunta ako doon at parang iba ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko'y may mangyayaring masama saakin.
Nako! ano ba ang kinakatakot ko? Matapang ako no.
Nagsimula na akong maglakad at pakiramdam ko'y may nakatingin saakin. Tumingin ako sa likod, pero wala namang tao. Guni - guni ko lang siguro yon.
Naglalakad ako at....
*Tuck ! *
Naramdaman kong may humarang saakin. Parang kilala ko itong lalaking to ah? Hindi ba ito yung nantritrip saamin ni Miya noon? Gusto nya ba ulit ng bugbog?
"Ikaw nanaman?! Ano nanaman ba ang trip mo? Akala ko nadala kana sa ginawa mo noon "
"Sa tingin mo ba hahayaan ko lang palagpasin ang ginawa mo saakin? Hindi ba sabi ko sayo babalikan kita? " Madiin nyang sabi.
Akala nya ba matatakot ako sa ganyan?
"Akala mo ba matatakot moko sa ganyan? Umalis kana nga "
Pero humarang padin sya saakin. Pinupuno na nya ako.
"Talagang pinupuno moko ha "
Sasapakin ko na sana ang muka nya....
*GRAB! *
Naramdaman kong may humawak ng kamao ko sa likod. Lumingon ako at nakita kong may apat na lalaki na kasing laki ng katawan nya ang nandoon.