Chapter 31

1 0 0
                                    

Violet's POV

Isa isa kong pinabasak ang mga zombie gamit ang kapangyarihan ko. Parang hindi sila nauubos.  

* Grab ! *

May kamay nanaman sa lupa na humawak ng paa ko. Agad ko ito itinanggal. Papalapit na ang mga zombie saakin. Tila hindi nauubusan ang mga ito.

* Thud ! * 

Nako patay. Mukang corner na ako at tumama na ang likod ko sa malaking puno. Isang bangin naman ang nasa likod non.  Nakita ko ang isang zombie na papalapit saakin at binigyan ko ito ng suntok na malakas. Bumagsak naman siya.

* Grab ! * 


"Ackkk ! " Sinakal ako ni Miya ( Zombie ) Nahayaan ko ang sarili ko at hindi agad ako naging alerto.

" * Zombie tone * Mammmmmamatayyy kan....naaaaaa "

Sinubukan kong gamitin ang kapanyarihan ko, pero hindi ko ito magamit dahil nahihirapan akong huminga.

" M-miya......Kaibigan mo ako. Paki usap, bitiwan mo ako " 
 
 Pero mukang wala siyang naririnig.

Parang konti nalang at mawawalan na ako ng hininga. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. si Miya naging zombie, Nawala na ang sakit niya, pero galit siya saakin. At higit sa lahat ay papaano siya gumaling bago ko matalo si reyna Debra-

....
....
....

Teka, kalaban ko lang kanina si Debra ah ? Bakit nga pala ako andito sa lugar na ito at papaano ako napunta sa ganitong sitwasyon ? Dapat ay nasa labas ako ng kalawakan. Parang mali dito.  Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari dito.

Agad kong pinikit ang mga mata ko para gamitin ang kapangyarihan nito. Pag dilat ko, Wala na ako nakikitang zombie. Kung hindi isang babaeng may itim na aura ang sumasakal saakin at walang dudang si Debra iyon. Kung ganun ay illusion lang pala ang lahat.

Agad kong binigyan ng sipa ang  kalaban at nakawala na ako sa illusiong nilagay niya saakin.

Nakita kong ngumisi siya.

" Mahusay. Hindi ko akalaing makakawala ka sa illusiong ginawa ko sa ganyang edad mo palang" 

"  Magbabayad ka sa ginawa mo !"

3rd Person's Point of View

Nagsimula ulit ang laban ng dalawa.  Nagsasalpukan ang kanilang mga atake at parehas din sila dumedepensa kapag isa sa kanila ang umaatake. Pero dahil sa galit na nararamdaman ni Violet sa mga nakita niya sa illusion na binigay sa kanya ni Debra, mas lalong lumalakas ang kapangyarihan niya kaya ang mga atake nito ay nawawasak ang depensang ginagawa ng reyna.  Sumugod ang dalaga sa kaniya at agad na hinawakan ang ulo ng kalaban.

Nasa loob siya ngayon ng illusion na ginawa ni Violet. At nagpapakita roon ang kanyang nakaraan kung bakit siya gumagawa ng masama. Pero agad ring nawala ang illusion na iyon kahit na hindi niya ito sinusubukang mawala roon. At nagulat nalang siya ng makita niya ang dalaga na may hawak na malaking energy ball gawa sa kapangyarihan niya at binato niya ito sa reyna.

Sinubukang pigilan ito ng reyna gamit ang mga kamay niya, pero...


* BOOOM ! *

Masyado itong malakas  kaya hindi niya ito nagawang pigilan.


Nakita ni Violet ang reyna at wasak - wasak na ang mga damit nito at tila napuruhan siya sa ginawa ng ating bida.

Ginamit ni Violet ang kanyang  X- ray vision ( Kapangyarihan ng mga mata niya ) para makita niya kung buhay pa ang kalaban.

* Thud ! thud ! thud ! *

At nakita niyang tumitibok pa ang puso nito. Kaya inangat na niya ang kanang kamay niya at inipon doon ang kapangyarihan para tapusin na ang kalaban hanggang sa....


Violet's POV

 " Tapusin mo na ako para matapos na ang problema ko " 

Bigla ako napahinto sa balak kong gawin.  Para wala naring silbi kung lalabanan ko pa ito dahil sa itsura niya palang, mukang talo na siya.

Napansin ko rin na nanghihina na siya masyado kaya kahit na gusto niya pang lumaban, hindi na niya iyon magagawa. 

" Meron akong tanong sayo "  Tinitigan niya lang ako sa sinab ko.

" Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito ? " Alam kong merong rason na hindi ko alam. At naniniwala rin akong biktima lang siya.

" Maraming dekada na ang nakalipas, Masaya ang planetang myriads sa pamumuno ng aking magulang. Ngunit sumalakay ang mga hiruk saaming planeta at pinatay nila ang aking magulang. Naging interesado saakin ang pinuno nila kaya naisipan niyang pakasalan ako ng sapilitan. At doon narin niya ako inuutusan gumawa ng masama dahil kung hindi ko siya susundin, papatayin niya ang mga kapwa ko myriad "

" So ibig sabihin pinilit ka niyang pakasalan ka ? Bakit hindi ka lumaban o hindi kaya tumanggi "

" Wala pa ako sapat na lakas noon at siya lang nagbigay saakin ng ganitong kapangyarihan para manakop at kunin ang kapangyarihan ng bato. Pinakasalan niya lang ako dahil gusto niya ako maging alipin at maging kanang kamay. Hindi ako makalaban sa kanya dahil..........





Babae lang ako "


....

" Ano yun ? Paki ulet "

" Ang sabi ko hindi ako makalaban sa kanya dahil babae lang ako "

Kumulo bigla ang dugo ko sa sinabi niya.

" Hindi totoo yan ! Dahil sa panahon ngayon ang mga babae ay hindi nag papaalipin sa lalake. Lumalaban na ang mga babae at hindi tayo nagpapatalo. It's time para lumaban tayo para sa sarili natin. Hindi dapat tayo nagpapaapi sa kung sino sino. Matuto ka lumaban. Babae ka hindi babae lang ! " 

Bigla siyang napatitig saakin at nagulat.

* Grab ! * 

" Aray ! " Agad niya rin akong sinipa papalayo pagkatapos niya hawakan ang mga kamay ko.

" Kung ganun, patunayan mo saakin ang sinasabi mo. KAYA TANGGAPIN MO ITO !! " 

* SRABAM ! * 

Isang malaking energy blast ang paparating saakin.  Akala ko hindi na siya makakalaban.  Wala na ako nagawa kung hindi tapatan ito.

At ngayon ay nagpapalakasan kame ng aming mga atake.

Ngunit mas lumalakas ang kaniya kaya napapaurong ang aking energy blast.

" Patunayan mo saakin ang sinasabi mo kapag natalo mo ako WHUUHAHAHAHAHA " At mas lalo niya pang nilakasan ang pag atake niya.

Kailangan kong umisip ng paraan para malagpasan ito. Konti nalang at malapit na ako abutan ng atake niya.

Isip...isip....isip.... !!

.....
.....
.....

 Ayun ! 

3rd Person's Point of View

Malapit na tumama kay Violet ang energy blast na ginagawa ni reyna Debra sa kanya. Ngunit binuhos lahat ng dalaga ang kanyang lakas sa kanyang atake kaya umurong ito ng konti, pero panandalian lang iyon at mas lalo nanamang lumakas ang atake ng kalaban.

Doon na nakahanap ng tiempo ang ating bida at tinanggal na niya ang energy blast niya.

Paparating na sa kanya ang atake ng kalaban. Isang paraan nalang ang natitira kay Violet kaya huminga siya ng malalim at....



* SKREEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!* 

Ginamit niya ang natitira niyang abilidad na super sonic scream at agad na nawala ang atake ni reyna Debra at napatakip ang reyna sa kanyang tenga, pero balewala iyon kaya nasira na ang eardrums niya. Dumugo  ang ilong niya at tila nagkaroon ng crack ang ulo niya . Tumalsik narin siya sa malayo dahil sa sobrang lakas ng sigaw ni Violet.



* SKREEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEeee........* 

Nawalan ng enerhiya si Violet kaya nahimatay siya at ang katawan niya ngayon ay pabagsak na sa planetang earth. 


Reyna Debra's POV

Natalo ako....

Natalo ako ng tao mula sa planetang earth. Mukang tama ang sinabi niya.

" Babae ka hindi babae lang ! " 

Lagi kong tatandaan ang mga salitang iyan kahit sa kabilang buhay.

Napansin kong may nakatingin sa gilid ko at nakita ko.....Ang matalik kong kaibigan na si Silda.

Siguro kaluluwa nalang niya ito.

Pasensya na saaking nagawa.

Ningitian niya ako at ngumiti narin ako pabalik.

At doon ko naramdaman ang huling hininga ko.

3rd Person's Point of View

Naglaho na ang katawan ni reyna Debra na tila abo.

Samantala....

Nalalaglag ngayon ang ating bida mula sa kalawakan at malapit na siyang tumama sa lupa ng kaniyang planeta.

Pero bago pa siya tumama roon, may force shield na bumalot sa kaniya kaya hindi natuloy ang pag bagsak niya. 

Walang ibang gumawa non kung hindi si reyna Silda.

Dahan - dahan silang bumaba at napangiti ang reyna sa kanya.

Violet's POV

Nakaramdam ako na parang may gumigising saakin, pero parang kakaiba ang pag gising neto. Idinilat ko nalang ang mga mata ko at nakita ko si reyna Silda.

Agad akong napatayo.

" Mahal na reyna !  Kanina pa po kayo diyan? "

" Medyo. "

Napansin ko ang paligid at nasa mundong earth ako.

Teka baka isang illusion ito kaya agad kong ihinanda ang sarili ko sa laban.

" Hahahaha tapos na ang laban, Violet. Panalo kana "

" Huh ? Papaano si Debra? "

" Naglaho na si Debra. Nasa mundo na siya kung saan na siya masaya kasama ang mga magulang niya "

Mukang nagets ko ang sinasabi niya kaya napatango nalang ako.

" O tara, kailangan na natin pumunta sa hospital ngayon "

" Hospital? Ano gagawin natin-- SHOCKS ! si MIYA ! "

------------------------------------------------------------------------------------------

Nagsuot nalang ako ng jacket pambalot at wig upang bago pumunta ng hospital kanina.

Andito ako ngayon sa kwarto ni Miya at nakita ko parin siyang nakahilata.

Bakit may mga lason parin sa ugat niya? Natalo ko na naman si reyna Debra.

Akala ko ayos na ang lahat, mali pala. Agad kong nilapitan ang nakahiga kong kaibgan at napapaiyak talaga ako tuwing nakikita ko siyang andyaan

" Patawarin mo ako kung napunta ka sa ganyang kalagayan "

Hinawakan ko ang mga kamay niya at napapikit. Ilang oras nalang ang meron siya. Hindi ko alam kung bakit hindi pa siya gumagaling kahit na natalo ko na ang reyna. Kung may abilidad lang ako magpagaling, kanina ko pa ginawa iyon.























* Bliiiing *



Next Chapter...


















 

SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon