Chapter 1

1 0 0
                                    


( PRESENT YEAR )

Planet Earth

Violet's POV


* Krriiiiiingggggg kriiiiiiiiiiinggg*

HMMMMMMMM?.

* Krriiiiiingggggg kriiiiiiiiiii-*

*PAK!*

Nakakainis talaga yang alarm clock nayan. Palagi naninira ng tulog eh.

Teka ano oras naba? 

Time : 8:30 AM.

Hala shyet late na pala ako.  Simula ng trabaho ko 9:00 AM. Mainitin pa naman ang ulo ng kupal kong boss.  Dali dali akong tumayo ng kama at ginawa ang mga morning routine ko.


Ay Hindi pa pala ako nakakapag pakilala. Sorry naman.

Ako nga pala si Violet Christine Valir or tawagin nyo nalang ako sa first name ko na Violet. 22 yrs old ako at ang aking height naman ay 5'9. Nagtratrabaho ako sa isang building company  at dalawang taon na ako nagtratrabaho doon.  At ngayon nga nagmamadali ako dahil naparasarap ang aking tulog.

Nakaligo, bihis, at inayos ko na ang sarili ko tyaka ako bumaba.

"Oi anak, mukang nagmamadali ka ata. Kumain ka muna." Sabi ni Dad.

" Hindi na, dad. Kailangan ko na magmadali dahil alam nyo namang mainitin ang ulo ng boss ko eh"  


" Hay nako, kumain ka kahit konti lang. Mahirap magtrabaho kapag walang laman ang tiyan" Sabi ni mom.

Kumuha nalang ako ng isang bread at sinubo ko nalang ito sa bibig ko ng mabilisan.


"By-e Mmmoomm and Da-tskkkk" Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil may laman nga bibig ko.


Agad na ako lumabas para mag hanap ng taxi. 

 Bwisit nabibilaukan ako. Nakalimutan ko pang uminom. Bibili nalang ako mamaya dyan sa market.

------------------------------------------------------------------------------------------

Pagkatapos ng ilang oras na biyahe, nakarating na ako. Buti nalang 1 minute before ako malate ng makarating dito. Hingal na hingal pa naman akong tumakbo at umakyat sa aking opisina.


At buti nalang, hindi ko nakita ang boss ko sa paligid. Strict pa naman talaga iyon dahil sa mga late, absents, at hindi maayos ang itsura. Kaya kailangan talaga maging professional ka kahit na mababa ang posisyon mo dito.


Pumunta na ako sa opisina ko at nagsimula magtrabaho.  Hayyyy nakoooooo ang dami nanamang papeles na nakatambak sa lamesa ko.  Sinimulan ko nalang ito para matapos agad.


Pagkatapos ng ilang minuto.....


"VIOOOLLEEEEEEEEEEEEEEEET" Hay nako. Ang bunganga nanaman ng bestfriend kong si Miya. 

Sya nga pala ang kaibigan ko. My one and only friend/Sister/ Bestfriend. Sya din ang madalas dumadaldal saakin kahit nagtratrabaho kame. Kaya nadadamay ako kapag napapagalitan sya eh.

" Ano bayan Miya. Yung bunganga mo naman. Marinig pa tayo ni boss dito eh. Alam mo naman yun." 


"Sus wag ka matakot doon. Hampasin ko pa yon ng upuan ko eh." 


Tumayo ako bigla.

"Sige ha? sasabihin ko yan sa kanya."

"Oi joke lang!" Sabay hila saakin paupo.

"Gusto lang kita ayain mag lunch mamaya. Tyaka may sasabihin ako sayo." 

"Bakit hindi mo nalang sabihin ngayon?" 

"Basta, O sige ha? Kita nalang tayo mamaya" Sabay alis nya papunta sa pwesto nya.


Hayyy nakoooo. Ang dami ko pang gagawinn dahil sa mga tambak na papeles na ito.

Tapusi ko na ngalang ito kesa magreklamo.

------------------------------------------------------------------------------------------

(Lunch time)


"VIOOOLEEEEEEEEEEEEETTT" ayan nanaman sya.

"Miya, isang sigaw mo pa talaga sa harap ng tenga ko sasapakin na kita eh."

"Sorry naman hehehe na excite lang. Kanina pa kasi ako gutom"

"Same. Tara? punta na tayo sa canteen."

Pumunta na kame ng canteen at umorder ng pagkain. 

Pagkatapos naming umorder, humanap na agad kame ng bakanteng upuan.

Simple lang inorder ko. Chicken curry with rice and 1 humburger and softdrinks.

Itong isa naman ang inorder ay 3 steaks, 2 burritos, 2 cups of rice, and Ice cream. Kasama nadin syempre ang drinks nya na softdrinks din.

"Grabe mauubos bayan?" tanong ko.

" Oo naman. Hindi mo ba ako kilala? Food is life syempre."

"Food is life, Food is life. Mamaya hindi mo maubos yan eh. Naka ilang order kana ng maraming pagkain tapos hindi mo naman nauubos. Sinasayang mo lang."

"Duh....noon yon hindi na mauulet yon. Past is past it will never comeback. Pag sya'y nag back, edi welcome back 😄"

" Anong past pinagsasabi mo? Eh kahit kahapon mo lang din nangyare yan. Nung isang taon mo padin sinasabi yan. Tyaka ano bayang past nayan? may naging lovelife kana ba ng hindi ko alam?"

SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon