Chapter 3

1 0 0
                                    

3rd Person's Point of View.

*TACK!*  *TACK!* *TACK!* *TACK!* *TACK!*

employee 1 : oi naririnig mo bayun?

employee 2: Alin?

*TACK!* *TACK!* *TACK!* *TACK!* *TACK!*

employee 1 : Ayun oh! yung ingay nayun.
 
*TACK!* *TACK!* *TACK!* *TACK!* *TACK!*

employee 2:  OO nga no? parang type ng keyboard yung naririnig ko, pero parang grabe naman maka type yon. Akala ata non walang bukas eh.

Tumayo si employee 1 para tignan kung sino ba yung nagtatype ng malakas na tila abot hanggang first floor yung tunog.

employee 1 : si ms. Valir lang pala yun. Bat ganun sya mag type?

 employee 2: Ewan ko, tanungin mo si ms. Murphy (Miya's Last name) baka matanong nya kung ano problema ni ms. Valir.

Violet's POV

BWISIT! BWISIT! BWISIT!!

*TACK!* *TACK!* *TACK!* *TACK!* *TACK!*

Gusto kong basagin yang buto mo pag nagkita tayo....

*TACK!* *TACK!* *TACK!* *TACK!* *TACK!*

"HOY-"

"AAAAh! ano ba?! nanggugulat ka eh" 

" Gusto ko lang naman sabihin na kawawa yang keyboard na kanina mo pa pinindot. Malamang kung tao yan, kanina pa durog yan. Rinig na rinig yang malakas na pag tatype mo." sabi ni Miya.

Shyet. Hindi ko alam na ganun napala ako ka aggressive mag trabaho.

Tumayo ako para humingi ng pasensya.

"Pasensya na po sa istorbo" sabay upo.

"Bat parang ang moody mo ata ngayon? tyaka higit sa lahat ang laki ng eye bags mo. Hindi ko alam kung nasaniban ka ng bad spirit o ano eh."

Paano ko ba sasabihin sa kanya?

"Si ano kasi....nag chat sya sakin kagabi."

"Sinong nag chat sayo?"

......

"Edi yung walanghiya kong ex"

"OH MY GO-" tinakpan ko na agad ang bibig nya dahil maiistorbo nanaman ang mga katrababo namin pag gumawa nanaman kame ng atensyon na makaka istorbo sa kanila.

Binitiwan ko na ang bibig nya.

"Sya? akala ko wala na sya sa buhay mo?"

"Eh nag chat nga sya."

"O sige, ano ba kasi ang nangyari"



Flashback

Last night

1 notification

Chris Watson sent you a message

-Violet, usap tayo.


Teka...tama ba itong nakikita ko? si Chris?!! yung sumira ng buhay ko nung nasa college ako? at bakit naman naisipan nitong mag chat? at papano nya nalaman yung account ko?

hay nako wag ko na ngalang pansinin ito.

Pinatay ko nalang ang cellphone at nagsimula ng matulog.

  *Ching*
 
Wag mo sya pansinin Violet basta matulog ka lang.

*Ching*

Matulog kalang....Matulog ka lang...

*Ching*

Hindi ka marupok dba? Wag mong pansinin iyon.

*Ching*

HAY NAKO!!!!

Kinuha ko nalang ang cellphone ko para tignan kung ano ano ba ang minemessage nitong kufal nato. Bakit ba kasi nakalimutan ko inoff yung notification?

Chat conversation

Me: ANO BA PROBLEMA MO! MATUTULOG NA AKO.

Chris: Sorry na. Na miss lang kasi kita.

Me: HAHAHA nice joke. Sige matutulog na ako.

Chris: Oi teka! Usap muna tayo.

Me: Ano ba gusto mo? 

Chris: Ikaw  😘

*lup-dup!*  *lup-dup!*

Shyet! Bakit tumitibok ang puso ko sa sinabi nya? HOY VIOLET! BAKA NAKAKALIMUTAN MO GINAWA NYA SAYO NOON HA?!

Chris: Hey ! andyan ka paba?

 Me: Kung mang iinis ka lang, wag ako ha? baka ano magawa ko sayo.

Chris: Hindi ka parin ba maka move on noon?  😂

Me: Ano ang tinatawa-tawa mo?! sa tingin mo ba nakakatuwa yung ginawa mo noon?

Chris: Medyo HAHAHAHA ang cute mo kasi magalit. 

Chris: Sige na matutulog na ako. Goodnight, ms. beautiful. I Love you   😘

End of conversation.

Agad kong pinatay ang cellphone ko pagkatapos non. Nakakainis naman oh inaantok na ako eh. Mga epal na tao talaga walang magawa.

Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko para makatulog.

"Sige na matutulog na ako. Goodnight, ms. beautiful. I Love you 😘"

*lup-dup!* *lup-dup!*

Ayan nanaman sya. Bakit naman kasi ako naapektuhan sa sinasabi nya eh naka move on na ako sa nakaraan. 

"Hindi ka parin ba maka move on noon? 😂"

Bigla nalang uminit ang ulo ko. Tinatawanan nya ako kagaya noon. Kahit sinabi nya lang sa chat iyon, ramdam ko ang paglalapas tangan nya sa pagkatao ko kagaya noon. 

Napalitan lalo ng galit yung antok ko. Palagay ko mamaya pa ako makakatulog.

End of Flashback

"Eh sira ulo naman pala yang ex mo eh."

Hindi nalang ako nagsalita. Totoo naman sinabi nya eh.

"Hayaan mo, ililibre nalang kita pampawala ng init ng ulo, Tyaka kalimutan mo na sya. I block mo nalang sya mamaya para hindi ka na nya istorbohin" Payo  ni Miya.

Mukang tama ang mga sinabi nya. Tumango nalang ako pagkatapos. Siguro nga baka mawala pa init ng ulo ko. Wala naman siguro makakatanggi kapag nilibre ka. 

Bumalik na kame sa pwesto namin at nagsimula ng magtrabaho.

Siguro mas maganda kung mag focus nalang muna ako sa gagawin ko.  Tama yung sinabi ni Miya na iblock ko nalang siguro sya para d na mangulet. Kinuha ko ang cellphone ko at binlocked ko na ang account nya. Manigas sya dyan.

"Ano ba?! kanina ka pa ha! magbibihis lang ako ng uniporme ko para makapagtrabaho na! Sinasayang mo lang oras ko!" 

Ano yung ingay nayun? parang kilala ko yung nagsalita ah?

"Oi may nangyayaring gulo sa baba!" Sabi ng isang ka trabaho ko.

"Tignan natin yun, Violet!" Sabi ni Miya at bumaba kame para tignan kung ano ba talaga ang nangyayari.


Next Chapter.

SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon