Chapter 27

1 0 0
                                    

3rd Person's Point of View.

Naagaw ng attention nang maraming tao sa itaas ng building. Ang iba'y natataranta at ang iba naman ay kinukuhanan ng litrato o video tyaka i popost sa social media. Sinusubukan narin ng iba tumawag ng police para maaksyunan na ang pangyayari.

Samantala....


Violet's POV

Sa wakas.... *Huff* Naka- *Huff* rating *Huff* nadin ako...At hingal na hingal pa ako kakatakbo. Sobrang daming tao. Kailangan kong makagawa ng paraan para makalusot sa mga ito.

Alam ko na! Gagamitin ko ang kapangyarihan ko para makalipad.  Pero...delikado kapag nalaman nila na may kapangyarihan ako at tiyak na magkakagulo at iisipin nilang masama akong tao.

Buti nalang at may kapangyarihan ako maging invisible kaya agad ko itong ginamit. Lumipad na agad ako papuntang tuktok at...

* Blub! *

Teka bakit parang may nakaharang?

Sinubukan ko ulit lumipad papunta roon.

* Blub! *

Ayaw talaga. Ano nangyari bakit ayaw? Tinignan ko ang nakaharang saakin maigi at...ISANG FORCE SHIELD ! papaano naman nagkaroon ng force shield ang dadaanan ko eh hindi naman ako naglagay non. Sinubukan kong tanggalin iyon, pero parang hindi ito naka konnekta saakin. Hindi kaya may ibang gumagamit nito?

" Tuulooooooooooongggggggg!!! "

Narinig ko ang boses ni Miya. Mawawalan na ako ng oras kung mag iisip pa ako. Kailangan ko nalang umakyat roon. 


Agad akong bumaba at umakyat sa hagdanan. 

3rd Person's Point of View.

Nung umaakyat si Violet sa hagdanan, nakakaramdam sya ng kati sa kanyang ulo. Pilit nya itong kamutin, pero tila ayaw nito mawala. Kaya napahinto sya. Sa sobrang irita nya, tinanggal na nya ang wig sa kanyang ulo at binilisan na nya ang pag akyat. Ang hindi nya alam kung bakit sya nangangati, ayun ay dahil kumikinang ang buhok nya dahil nararamdaman na nito ang kalaban na dapat nyang harapin.


Debra's POV


" Ano ba! bitiwan moko sabi eh ! "

" Hindi kita bibitawan hangga't hindi dumadating ang taong kailangan ko! "

" Sino ba ang kailangan mo ! ?" 

Hindi ko na sya sinagot dahil sinubukan kong pag masdan ang maraming tao na nagkukumpulpulan sa baba.

* Blub! *

Napatingin ako bigla sa nilagyan kong force shield. Mukang gawa lang ata ng illusion ko ang narinig ko--

* Blub! *

Hindi, tama nga ang hinala ko. Pero hindi ko sya makita. Siguro ginamit nya ang kapangyarihan nya maglaho para hindi ko sya mapansin. Tch ! Hindi nya maiisahan ang reyna na kagaya ko.

" Tuulooooooooooongggggggg!!! "

Tch ! ang sakit sa tenga ng isang ito. Dapat siguro'y ihulog ko na ito para hindi na nakakairita--

* Blam ! *

Violet's POV

* Blam ! *

Agad kong binuksan ang pintuan nang malakas.  Mukang balak na nya itapon si Miya at buti nalang ay sakto ang aking dating. 


" Tama nga ang hinala ko sayo...Violet"  huh? papaano nya nalaman ang pangalan ko? 

"Papaano mo nalaman ang pangalan ko? Sino ka? "

" Hindi na mahalaga kung sino at ano ako. Ang gusto ko ang kailangan ko. Dahil kung hindi mo ibibigay, buhay ng kaibigan mo ang kapalit kapag tumanggi ka "

Ano ang ibig nyang sabihin? 

" Mamili ka ang batong hiyas o ang kabigan mo ? "

.......

" Papaano mo nalaman ang tungkol doon ! sino kaba ! " na crecreepy na ako sa taong ito.

"Katulad ng sinabi ko kanina, hindi na mahalaga kung sino ako. Ibibigay mo ba saakin ang kapangyarihan mo o ilalaglag ko ang kaibigan mo ng buhay? "

Hindi...hindi ako pwedeng magkamali dito. Kapag binigay ko ang kapangyarihan ko, paniguradong gulo ang idudulot nito. Kapag tumanggi naman ako sa gusto nya, mamatay ang kaibigan ko.

" Mukang ayaw mo atang ibigay saakin kaya ihuhulog ko nalang ito--"

" SANDALI ! " napatigil sya sa gagawin nya dahil sa sigaw ko.

Mukang wala na akong magagawa dahil alanganin kung lalaban ko sya. Paniguradong ihuhulog nya rin ang kaibigan ko. Patawad, reyna Silda, pero kaibigan ko ang mahalaga sa sitwasyon ngayon. 

"I-ibibigay ko na ang gusto mo...Pero sa isang kondisyon, ibigay mo muna saakin ang kaibigan ko "

Sumunod naman sya sa sinabi ko. Dahan - dahan nyang ibinaba ang kaibigan ko. Pagkababa nya, agad na tumakbo saakin si Miya at sinalubong ako ng yakap.

"Violet...Natako- * Sniff * t ako *Sniff* "

" Pshh tahan na. Andito na ako. Wala nang mangyayaring masama " Pagpapakalma ko sa kanya.

"At papaano naman ang usapan natin ? " Napatingin ako sa babaeng naka witch cape. Nakalimutan kong may usapan nga pala kame. Lumapit ako sa kanya.

3rd Person's Point of View.

Nung lumapit si Violet sa babaeng naka witch cape, agad bumaba ang babae sa pagkakalipad nya papunta sa tapat ni Violet. Napangiti sya at agad nyang hinawakan ang buhok ng dalaga at paonti - onting kinukuha ang kapangyarihan nito. Nakakramdam ng panghihina si Violet dahil sa ginagawa sa kanya at tila buhay nya ang kinukuha.


















Pero hindi nagpatalo si Violet at agad nyang ginamit ang kapangyarihan nya at pinatalsik ito sa pader. Napahiga ang babae sa lupa pagtapos nyang tumama roon. 

Violet's POV

Multikan na ako roon. Hindi ko parin hahayaan na makuha nya ang kapangyarihan ko at ayaw kong ipahamak ang mundo dahil lang sa pagsuko ko rito.  Mukang hindi sya tao at malamang hindi pa sapat ang ginawa ko sa kanya kaya buhay pa sya.


" Miya, bumaba kana sa building na ito ngayon na !! "

" Pero papaano ka-"

" SUMUNOD KA NALANG !! " at doon na nga sya bumaba.

Pasensya na kung nasigawan kita. Kaligtasan mo ang inaalala ko ngayon.

" He...he hehe " Napatingin ako sa babaeng naka witch cape na bumabangon. Wala na syang hood na nakasuot kaya makikilala ko na sya kung sino--

.....
....
....

DEBRA ?!!!

" Ano?? Nagulat kaba nung makita mo kung sino ako? "

" Bakit? Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito ? "

" Mukang kailangan ko ng ipakilala ang sarili ko sayo. Ako si Debra, reyna ng mga myriads. Nakatira sa planetang myriad.  Tungkulin kong agawin ang batong hiya sa kamay ng mga sapironians na pinamumunuan ni reyna Silda. Ngunit tagumpay nyang napatakas ang bato at ilang dekada ko itong pinaghahanap hanggang sa napunta ito sa planetang ito.  Kaya nung malaman kong nasayo ito, kailangan ko itong agawin upang ibigay ko ito saaking asawa. "


Kung ganun, sya pala ang tinutukoy ni reyna Silda. Oo nga pala, reyna Debra nga pala ang pangalan na pinapaalala saakin ni reyna Sila. Kaya pala pamilyar ang pangalan at muka nya. Kung bakit naman kasi nakalimutan ko ang pangalan nya dahil sa dami ng aking ginagawa sa trabaho.

" Kaya maghanda ka, mortal. Dahil kailangan kong tapusin ang buhay mo para makuha ang kapangyarihan ng bato "

Pasugod na sya saakin.

Mukang wala ako magagawa. Kailangan ko syang labanan ! 










Next Chapter....

SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon