Chapter 4

1 0 0
                                    

Violet's POV

"Ano ba?! kanina ka pa ha! magbibihis lang ako ng uniporme ko para makapagtrabaho na! Sinasayang mo lang oras ko!"  

Parang kilala ko talaga yung boses na iyon. Hindi kaya si...mr. Claymore yun??

"Ang kulet mo din eh no? Sinabi na nga ni boss na tanggal kana nga daw!" rinig kong sabi ng guard.

Pagdating namin sa baba, nakita namin na pinapanood lang sila Marcel at yung guard na nagsasagutan.

Nagulat nalang kameng lahat ng biglang sinuntok ni Marcel ang guard.

3rd Person's Point of view.

Nagkaroon na nga ng suntukan sa loob ng building.

Agaw attention ang lahat ng nagtratrabaho sa gulo ng dalawa. Si Violet naman ay nagtataka dahil walang umaawat sa kanila para sila'y tumigil. Tinatawanan lang ng iba ang away nila at ang iba naman ay nanood lang. 

"Miya, awatin natin ang dalawang yan." sabi ni Violet.

"Huh?? pero-"

 Hindi na nya inantay makasagot si Miya at agad hinila ni Violet si Miya sa nagsusuntkan. Inawat ni Violet si Marcel at ang kay Miya naman ay ang guard.

"M-Marcel! tumigil na kayo" pakiusap ni Violet. Pero nagpipilit parin si Marcel kahit na inaawat na sya.

"ANO ANG KAGULUHANG MERON DITO!" napatigil silang lahat ng marinig nila ang boss nila.

"Bumalik na kayo lahat sa trabaho nyo, maliban sa dalawang ito." Sabi ng boss nila.

"Oi tara na, Violet" sabi ni Miya at hinila si Violet pabalik sa opisina nila.

Agad na huminto si Violet at napatingin si Miya sa kanya.

"Ano pang ginagawa mo dyan? Bumalik kana sa trabaho dahil baka makita pa tayo ni boss" 

"Bumalik kana, Miya. May titignan lang ako"

"Pero-"

"Bilis! baka mapansin pa tayo" sumunod nalang si Miya sa sinasabi ni Violet.

Nagtago si Violet sa hindi mapapansin nino man at d gaano kalayuan para makita nya kung ano ang gagawin ng boss nya kay Marcel. Ilang beses na kasi napapagalitan si Marcel dahil sa late at absent. Pakiramdam ni Violet merong hindi gagawin ang boss nya kaya gusto nya ito makita.

"Ano ang kaguluhan ang meron dito?" Tinanong ng boss ang guwardiya.

"Sir, gusto ko lang naman mag palit ng uniporme at magtrabaho, pero ayaw ako papasukin neto" sumagot bigla si Marcel.

"pfffttt- HAHAHAHAHHAHAHAHA" tumawa ang boss nya sa sinabi ni Marcel.

"Hindi mo ba natatandaan ang sinabi ko?" Sabi ng Boss

Lumabas sa likod ng boss niya ang isang baguhan na empleyado.

"Ito nga pala oh, si Michael Santos, ang pumalit sayo" nakita ni Marcel na suot-suot ng baguhan ang unipormeng kagaya nya.

 "Pano po ako natanggal? Masipag naman po ako nagtratrabaho dito" Sabi ni Marcel.

"Natatandaan mo paba ang sinabi ko? kapag meron akong nabalitaan na hindi maganda sa iyo, mapipilitan kitang palitan. At ito na ang nahanap kong kapalit sayo. Kung tatanungin mo kung ano ang ginawa mo, tumakas ka kahapon sa trabaho ko. Kaya.....YOU'RE FIRED!!!" 

"P-pasensya napo. Tumakas po ako kasi nabalitaan ko pong inatake ang anak ko at dumeretsyo po ako sa hospital" 


"Nang hindi nagpapaaalam saakin?"

"Bigyan nyo pa po ako ng isa pang pagkakataon. Pinapangako ko po talaga na hindi na ako uulet. " 

"Kahit ano pa ang dahilan mo, tanggal kana." 

"Pero boss, kailangan ko mag ipon para sa an-"

"YOU'RE FIRED!!!!" 

Malungkot na umalis si Marcel Claymore sa building at tumawa lang ang dati nyang boss kasama ang baguhang pinalit sa kanya.

Samantala.....

Gigil na gigil si Violet sa nakita att narinig nya. 

Violet's POV

Nagpasya akong umakyat papunta saaking opisina. Pag punta ko doon, binuksan ko ulet ang computer ko para gumawa ng resignation letter.

------------------------------------------------------------------------------------------

Natapos ko na ang ginawa kong resignation letter. Agad akong pumunta sa opisina ng boss ko. 

*BAM!*
Binuksan ko yung pintuan nang padabog. 

"AH! nakakagulat ka naman, ms. Valir. May maitutulong ba ako? Bakit nga pala dala-dala mo mga gamit mo?" 

Daming sinasabi neto. Hindi ko nalang sya pinansin at nilapag ang reisgnation letter ko sa lamesa nya.

"Ano to?" Binasa nya ang papel at tinignan nya ako na para syang nakakita ng multo.

"B-Bakit ka mag reresign?!"

Yumuko nalang ako sa kanya.

" Maraming salamat po sa pagtanggap saakin dito."

"Hoy! hindi pa kita tapos kausapi-"

"Gusto mo talaga malaman kung bakit ako mag reresign dito? Kasi ayaw ko umabot sa point na ako naman ang tratuhin mo ng ganun kahit na madami akong pinagdadaanan sa buhay"

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Yung tinanggal mong janitor nating si Marcel Claymore, hindi ba wala kang pinakinggan sa kanya? Minaltrato mo sya na parang hayop dito sa kumpanya na ito. Tubig lang ang lunch nya lagi at sapat na iyon para sa kanya. Hindi mo ba alam na iisa lang ang anak nya? at hirap na hirap syang buhayin iyon dahil kailangan nyang kumayod ng dalawang trabaho. Halos ilang araw na syang hindi kumakain para lang mabigyan ng pagkain yung anak nya sa pang araw araw tapos tatanggalin mo pa? Papaano kung ikaw nasa sitwasyon nya at ginanon kadin ng boss mo sa tingin mo magugustuhan mo din ba yon?"


Natihimik ang boss ko este ang dati kong boss sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Nakita ko rin ang guilty sa muka nya. Dapat lang sayo yan.


Lalabas na ako ng opisina nya pati ng building na ito, pero sa tingin ko kailangan ko sya bigyan ng remembrance.

*SLAP!*

Nakita kong bumakat ang kamay ko sa kaliwang pisngi nya at ramdam nya ang sakit ng sampal ko.


Pagkatapos non ay umalis na ako.

------------------------------------------------------------------------------------------

Hay nako. Kailangan kong maghanap ulet ng trabaho. Pero wala akong pinagsisihan sa ginawa ko dahil tama lang iyon para saakin.

"VIOLET!!"  Pamilyar yung boses na iyon ah.

Pag lingon ko, hindi ako nagkamaling si Miya ang tumawag saakin. Tumatakbo sya papunta saakin. Teka bakit sya tumakas sa trabaho nya?

"Ha...Ha... Ha.." Hingal na hingal sya.

"Hoy bakit ka tumakbo papunta dito? At sino naman nagsabi na tumakas ka sa trabaho mo? Baka mahuli ka ng boss mo nyan"

" SO TOTO NGANG UMALIS KA?!! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA" Jusko akala mo 5 yrs old kung maka iyak.

"WAG MOKO IWAAN WAAAAAAAA"

"Pasensya na, ayaw ko na kasi magtrabaho dyan sa kompanya" 

"P- *sobs* Pero bakit ka nga umalis?"

Pinaliwanag ko sa kanya yung dahilan.

"Aah kung ayan yung gusto mo, hindi kita kukulitin tungkol dyaan. Rerespetuhin ko yung gusto mo dahil desisyon mo naman yan at alam mo naman ding makakabuti sayo ang ganyan."  Sabi nya.

"Maraming salamat, Miya. Bumalik kana sa trabaho baka pagalitan kapa non. Mag iingat ka palagi ah"

"O sige mauna na ako"  Niyakap nya ako ng mahigpit.

"Mamimiss kita dito" bulong nya at tumakbo na ulet sya pabalik.


Naglakad na ako ulet pauwi dala-dala ang mga gamit ko. 

"Violet!" May tumatawag nanaman saakin, pero parang hindi si Miya iyon.

Parang sinasabi ng utak ko na huwag ko lingunin ang tumatawag saakin. Masama din pakiramdam ko. 

Naglakad nalang ako at hindi pinansin iyon.

"VIOLET!!" Patuloy lang ako sa paglalakad at medyo binilisan ko pa.

Hanggang sa..

*Grab*

Lumingon ako kung sino ang humawak sa balikat ko at nakito ko ang ayaw kong makita.....

si Chris Watson.


Next Chapter.....

SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon