Violet's POV
Umupo nalang ako pagkatapos kong ilapag yung order nila. Naramdaman kong nakatitig saakin si Debra na parang may gusto syang malaman sakin, pero ayokong mapagkamalan na chismosa kaya nagpanggap nalang ako na hindi sya nakatitig.
" Hhmmmmm..Ang sarap talaga ng pagkain na ito. " Rinig ko ang sabi ni Miya.
Hindi ko nalang pinansin ang tingin saakin ni Debra at kinain ko nalang ang dala kong pagkain. Syempre umorder din ako ng saakin.
"U-uhm.." Napatingin ako bigla kay Debra. Parang may gusto syang sabihin.
"P-pwede ko bang mahawakan ang kamay mo saglit? " tanong nya.
Hindi ko alam kung bakit, pero na weweirduhan ako sa kanya. Ano naman ang dahilan kung bakit nya gusto mahawakan ang kamay ko?
"K-kung ayos lang naman "
"Ay....sige, pwede naman "
Pinahawak ko sa kanya ang kamay ko. Pinagmasdan nya ang kamay ko na parang may inoobserbahan sya. Gandang - ganda ba sya sa kamay ko at gusto nya hawakan? Pwede nya naman sabihin saakin at bibigyan ko sya ng tips--
"ARAY ! " Agad kong binawi ang kamay ko dahil tila gusto nya atang durugin.
"Ano bang problema mo?! " Hindi sya sumagot at parang may gusto talaga syang kunin saakin na hindi ko alam.
" V-Violet...Debra....huminahon lang kayo.." Kumalma ako bigla dahil nagsalita itong kaibigan ko. Hindi namamalayan na kasama ko papala ito. Masyado kasi akong naka pokus kay Debra.
At dahil ayoko nga ng gulo. huminga ako ng malalim at..
"Pasensya na. Hindi ko sinasadyang sigawan ka. Nasaktan lang ako sa nagawa mo sa kamay ko"" P-pasensya narin. Nagandahan lang ako sa kamay mo "
Weird..Kung nagagandahan sya, pwede nya naman sabihin at hindi nya kailangang pisilin ng pagkalakas - lakas. Hindi kaya inggit lang ito ?
* Riiingg *
Narinig ko ang bell at oras na para bumalik sa trabaho.
" Babalik na ako sa trabaho ko. Bayad nyo nalang sa counter yung pera nyo at Debra..Pasensya na ulit "
" O sige, aalis narin kame" Sabi ni Miya at tumayo na sila.
Agad ko ng binuksan ang pinto ng cafe at sinuot ko na ulit ang uniporme ko.
Debra's POVLumabas na kame nitong kasama ko sa pinagtratrabahuan ni Violet. Hindi ko napigilan ang sairli ko kanina dahil sa sobrang tama ng hinala ko. Ramdam ko na nasa kanya talaga. Isang daang pusyento akong sigurado na sakanya na punta iyon kaya sa sobrang gigil ko, hindi ko namalayan na napipisil ko na pala ang kamay nya na tila gusto ko ng kunin pati ang buhay nya. Pero hindi ako susuko. Kailangan kong magawan ng paraan para makita ang abilidad nya ng makumbinsi na talaga akong sya iyon.
" Debra "
Narinig ko itong kasama ko na nagsalita. Nakalimutan kong andito pa pala ito. Sagabal lang sya sa plano ko kaya agad kong ginamit ang kapangyarihan ko.
Miya's POV" Debra "
Nakalimutan kong tanungin si Debra kung saan ko sya ihahatid kaya ko sya tinawag.
Paglingon ko.....
Nasaan na sya? Parang naglaho sya ng parang bula. Hinanap - hanap ko sya kung saan, pero hindi ko sya makita. Hindi ko pa naman natanong ang phone number nya (┬┬﹏┬┬)
Debra's POV
Buti nalang ginamit ko ang kapangyarihan ko na makapaglaho. Nakita kong umalis na sya kaya agad narin akong pumunta sa likod ng pinagtratrabahuan ni Violet.
Naghanap ako ng makikita kong pwedeng pagobserbahan ang taong gusto kong makita. May nakita akong bukas na bintana kaya agad akong lumipad papunta roon. At saktong - sakto na andoon si Violet na may kinukuha.Violet's POV
Asaan naba yung white sugar na pinapahanap saakin? Hindi ko makita eh.
.....
.....
.....
.....Agad akong lumingon sa itaas at nakita ko ang bintana na nakabukas at wala namang tao roon. Pakiramdam ko kasi may nakatingin saakin.....Pero bakit parang si Debra ang nasa isip ko? Impossible namang gawin ni Debra iyon dba? Tumungtong nalang ako sa upuan at isinara ang bintana.
Guni - guni ko lang siguro iyon.
Teka, asaan naba kasi yung white sugar.
Debra's POVMultikan an ako doon. Kahit na nagagamit ko ang kapangyarihan kong maglaho, kailangan ko parin mag ingat dahil baka magamit nya ang abilidad ng mga mata nya na makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong nilalang.
Isinara nya ang bintana. Sumilip parin ako kahit nakasara ang bintana dahil sa salamin. Nakita kong nagtatago sya. Bakit kaya sya nagtatago?
Violet's POV" Sinabing ibalik nyo ang pera ko eh ! "
" P-pero sir, hindi po kame nag rerefund ng pera dahil once na nakain nyo na po ang order nyo, hindi na po ito pwede ibalik. Sumusunod lang po kame sa rules ng cafe. "
Agad akong nagtago dahil narinig ko na parang may nag wawala. Sinilip ko ng palihim at tama nga ako. Ano kaya problema non at gusto nya mag refund? Masarap naman ang mga pagkain dito ah? At tama naman yung binigay ko sa kanyang order.
" Kailangan kong irefund ang pera ko dahil hindi ko gusto ang pagkain nyo rito. Masyadong matamis ! "
Baliw na ata itong lalaki eh. Tinatanong ko sya kung ano yung sugar level. Sabi nya 100 % daw.
" E-eh sir...Bawal po talaga eh. Kung gusto nyo po, palitan nalang po namin ng bago "
" SINABING AYOKO EH! GUSTO MO BA UMUWI NG DUGUAN ?!! "
Mukang lumalala na ang sitwasyon. Kailangan ko ng umisip ng paraan bago pa magkagulo. Masisira rin ang image ng cafe kung sakaling magpapatuloy pa ito. Wala pa naman si ms. Jung ngayon dahil may meeting sya.
.....
Ayun! baka pwede kong magamit ang kapangyarihan ko. Pero ano kaya pwede kong gawin? Ang alam ko lang ay kontrollin ang mga gamit sa pamamagitan ng abilidad ko, pero gagana kaya kung sa utak ng ko gagamitin?
" BIBILANG AKO NG TATLO AT MAGKAKAGULO TALAGA TAYO "
Hay nako wala na akong oras. It's do or die situation.
3rd Person's Point of View" DALAWA !! "
Nagtitinginan na ang mga tao dahil sa sigaw ng lalaki. Gumagawa ng eskandalo ang lalaki at naisipan ng mga tao na videohan ito at ipost sa social media. Ang iba naman ay naka live.
" TATLO ! Talagang ayaw mo ibalik ang pera ko ha? "
Sasapakin na ng lalaki ang nasa counter...
Pero agad itong naagapan ni Violet at nagamit nya ang kapangyarihan nya. Napahinto ang lalaki bigla. Medyo hirap si Violet kontrollin ang isip nito, pero sinusubukan nya parin.
Napansin ng mga tao na biglang kumalma ang lalaki at bigla itong yumuko.
" Pasensya na saaking asal. Inaamin kong hindi maganda ang aking sinabi at hindi na ako hihingi ng refund. Aalis na lamang ako para wala ng gulo " At doon na nga umalis ang lalaki.
Na weirduhan ang mag tao sa lalaki at pinagpatuloy nalang nila ang pagkain nila na tila walang nangyari.
Agad naring binitiwan ni Violet ang kapangyarihan nya at medyo natuwa sya sa natuklasan nyang bagong abilidad. Nakaramdam din sya ng pagod dahil ito ang unang subok nya.
Debra's POVSapat na ang nakita ko. At wala na akong dapat hanapin dahil nakita na mismo ng mga mata ko. Ang kailangan ko nalang gumawa ng paraan at humanap ng tiempo para makuha ko na ang dapat kong makuha.
Next Chapter....

BINABASA MO ANG
Sapphire
FantasyNaranasan nyo naba mabigo, masaktan, at bumangon muli? Ganun din si Violet sa nakaraan nya, pero nagbago ang lahat nang mahawakan nya ang isang makapangyarihang bato mula sa kalawakan. Hindi nya alam na meron pala itong kapangyarihan. Ano kaya ang m...