Chapter 24

1 0 0
                                    

Kinabukasan...

9:00 AM 

Violet's POV

AAARGGHHHHH!! Nakakahiya padin ! Kagabi ba naman kasi pinilit ako ni Miya mag suot ng regalo nya or yung costume na binigay na napaka sexy. Well, alam ko namang bagay saakin, pero nakakahiya !

" Violet ! Paki kuha yung order ng bagong pasok na customer "

"A-ah sige po ! " 

Nagising ako bigla sa kakaisip ko ng may biglang tinawag ako ng katrabaho ko. As usual, ganun padin ang ginagawa ko. Kuha order doon, kuha order dyan, kuha ng mga extra order nila. Hay nako. Pero wag kayong ano, masaya ako sa trabaho ko. Is that medyo naboringan lang ako ngayon. 

Nakita kong may bagong pasok ulit na customer at kakaupo lang nya. Agad akong pumunta sa kanya at ihinanda ko ang notebook at ballpen ko para mailista ang order nya.

"Hello, may I take your order ? "

" Isang ice frappe coffee and isang bangtan small cake "

" Okay, coming right up " 

Pansin ko na madalas ang order ng mga tao ay mga malalamig na inumin. Ang init kasi ngayong araw at tila matutunaw ka sa sobrang init at para kang mamatay.

" Ito yung order nung table 57   *Ting ! *  " Sabi ko sa may counter sabay patunog ng bell.


Reyna Debra's POV

Para na akong mamatay.........Sobrang init ng araw na dumadapo sa balat ko.  Buti nalang at nakakain ako kagabi. Salamat sa mabuting bata na nagbigay saakin ng pagkain. Pero akala ko magtatagal iyon kahit limang araw. Ang pagkain kasi ng mga myriads ay umaabot ng siyam na araw bago matunaw sa tiyan mo kaya hindi kame nakakaramdam ng gutom basta - basta .

At ngayon, naglalakad ako na parang nanghihina na. Hindi ko akalain na mabilis lang pala matunay ang pagkain ng mga tao. Pero ang kailangan ko ngayon ay tubig. Tubig na magtatanggal ng tuyo saaking lalamunan.

* Bump ! *

Bumagsak ako sa lupa dahil naramdaman kong may bumangga saakin. Agad akong napalingon dahil baka kalaban iyon, pero mali ako. Dahil isang tao lang pala.

"Aray ko...." Sabi nya habang hawak nya ang ulo nya. 

Agad syang napatingin saakin.

" Ay sorry po ! Hindi ko po sinasadya " Tinayo nya ako at pinulot nya ang mga bagay na kumalat sa lupa.

Pagkatapos nyang gawin iyon, agad syang  yumuko sa harap ko.

"Pasensya na po! Hindi ko po sinasadya "  Hindi ako sumagot sa sinabi nya, pero naiintindihan ko iyon.

" Nasaktan po ba kayo ? May mga masasakit-- "

"Ayos lang ako "

" Pasensya na po talaga. Nagmamadali na po dahil nagugutom na po ako.  Meron po ba akong magagawa para sainyo para mabayaran ko ang aksidenteng pagbangga sainyo ? "

Hindi na ako nagdalawang isip na sagutin iyon. 

" Meron kabang maiinom dyaan? "

"Ay wala po akong dalang tubig, pero pwede ko po kayo dalhin sa trabaho ng kaibigan ko. "

Tinignan ko lang sya ng nagtataka dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

" Umm...Sumama nalang po kayo saamin at ililibre ko kayo. Paniguradong magugustuhan nyo ang mga pagkain na pinagtratrabahuan ng  kaibigan ko. "

 Tumango nalang ako sa sinabi nya at nag simula na kame mag lakad.


------------------------------------------------------------------------------------------

Violet's POV

" Ito po yung order nyo " Nilapag ko yung order ng customer ko sa lamesa nya.  

Sya nalang ang natirang customer ngayon dahil magbrebreak muna kameng mga nagtratrabaho sa cafe para naman magkaroon kame ng energy. Tinignan ko yung oras at nakita kong 12:05 pm na pala. Magbubukas ulit kame ng mga 1:15 PM.

Umupo muna ako saglit dahil na ngangalay na ang paa ko kakatayo at palakad - lakad kanina.

*Knock! Knock!*

Narinig ko na may kumakatok sa salamin kaya napatingin ako at napansin kong si Miya pala iyon.

 Agad kong sinenyasan yung guard sa labas at pinapasok naman sya.

" Bakit nga pala walang tao ngayon ? " Tanong nya.

" Nagpasya muna si ms. Jung na mag break daw muna kame ng 1 hour para magkaroon daw kame ng energy pagbukas namin ng 1: 15 pm. " 

" Aaahh kaya pala. Btw...May kasama- " Lumingon sya sa likod nya at nakita nyang wala naman syang kasama. 

" Asaan naba yun-- Ayun! Oi! Pasok ka " Nakita ko na may babae sa harap ng cafe. Ayun siguro yung kasama nya. 

Hindi ko alam kung nakita ko na sya noon.....Pero parang pamilyar saakin ang muka nya. 

" Sya nga pala yung kasama ko at sya si.......ano nga po pala pangalan nyo ? "

Parang hindi sya sumagot at....nakatingin lang sya saakin. May dumi ba sa muka ko?


Reyna Debra's POV

Bakit parang kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya. Pakiram ko'y...nasa kanya ang hinahanap ko. Hindi kaya nakuha nya ang kapangyarihan ng bato?

" Umm...Ms? ano po ulit pangalan nyo ? "
 
Bigla akong nagising sa pagkakatawag nya saakin.

"U-uh...D-Debra, Debra ang aking pangalan. "


Violet's POV

"U-uh...D-Debra, Debra ang aking pangalan. " sabi nung kasama ni Miya.

"Ayun ! Debra pangalan nya. Pwede paba kame kumain dito? May nagawa kasi akong kasalanan sa kanya kaya nag decide ako ng ilibre muna sya dito. " Sabi ni Miya.

" Sige lang. Basta kayong dalawa lang ang pwede ngayon" Hinatid ko sila sa upuan at binigay ko ang menu para makapili sila.

" Umm..Sakin ay same order parin at kay Debra naman ay...ano gusto mong pagkain at inumin?"

"U-uh kahit ano. "  Sabi nya. Pansin ko na parang kanina pa sya nakatingin saakin.

Nag kibit balikat nalang ako. Para kasing ang weird at parang nakita ko na talaga sya noon. Siguro illusion ko lang iyon. Pero parang pamilyar talaga eh. Hay nako, bigay ko na ngalang order nila dahil baka nagugutom na sila.

Reyna Debra's POV

" Napansin ko kanina kapa nakatingin kay Violet ah? Magkakilala ba kayo ? "

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ramdam ko talaga na nasa kanya iyon. Pero kailangan ko ng kasiguraduhan.

" Ay sige, wag mo na pala sagutin.  Siguro kilala mo sya noon, pero maramin nabago sa kanya kagaya ng pag suot nya ng wig . "

"Ano yung wig ? "

" Ayun yung sinusuot nya dahil nag iba bigla kulay ng buhok nya. Naging kulay kalimbahin dahil sa isang aksidente. "

Napalaki bigla ang mata ko sa sinabi nya. Naging kalimbahin?! Sa pagkakaalam ko ay magiging ganun ang buhok mo kapag nakuha mo ang kapangyarihan ng bato. Pero gusto ko malaman kung ano yung aksidente na sinasabi nya.

" Ano nga pala yung aksident-- "

" Ito na pala yung order nyo " 

Biglang naputol ang aking sasabihin dahil dumating ang babaeng nag ngangalan na Violet.






Next Chapter.....

SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon