Violet's POV
"Kanina pa kita tinatawag, pero hindi mo ko pinapansin" sabi nya. Galing nya magpanggap. Ganun naba talaga mga lalaki ngayon? Mahilig mag panggap na parang wala silang ginawang mali?
"Ano ang kailangan mo?" malamig kong tanong sa kanya.
"Wala. Nakita lang kita dito habang naglilibot-libot ako. Hindi ko alam na dito ka pala nagtratrabaho."
"Talagang bang nakita mo lang ako o Sinusundan mo ako?""H-Huh? HAHAHHAHA ano ba ang pinagsasabi mo dyan?"
Halata naman sa muka nyang nagsisinungaling sya.....Kagaya noon.
"Alam ko na style mo,Chris." Malamig na sagot ko.
"Aaah. HAHAHA sorry na."
Natahimik ang usapan namin ng mga 2 minuto. Sa tingin ko'y nagsasayang lang ako ng oras dito.
"Sige, mauuna na ako"
Paalis na ako nang-
*Grab* Hinawakan nya ang kamay ko kaya napatigil ako.
Huminga nalang ako ng malalim para kumalma kahit na medyo naiinis na ako.
"Mag-usap naman tayo saglit."
"Hindi paba tayo nag-uusap?"
"I mean, gusto ko sana mag usap tayo ng maayos sa isang lugar na tayo lang ang tao para maganda ang usapan natin. Sa park sana kung pwede."Park?
Park....
Park....
Park....
Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko sa mata ko at agad ko itong pinunasan.
"Umiiyak kaba?"
"Hindi. Tyaka sabihin mo na ang sasabihin mo dahil sinasayang mo lang oras ko."
.............
Natahimik nanaman kame na parang hangin lang ang maingay sa pagitan naming dalawa kahit na may mga tao sa paligid.
"Gusto ko lang sabihin na........Kung pwede ba kitang mahalin ulit?"
Ano daw? Tama ba ang narinig ko?
"Ano yun? Paki ulet nga." Sabi ko.
"Sabi ko kung pwede ba kitang mahalin ulit?"
"Pfff- HAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAH"
Natawa nalang ako sa sinabi nya. Napapaluha nalang ako sa kakatawa ko. Hindi ko alam kung bakit ako natatawa, pero bigla nalang naging ganito ang aksyon ko.
"S-sorry. Kung natawa ako ha? Hindi ko alam na ganun ang sasabihin mo."
Tinitigan nya lang ako, pero ayon sa mga mata nya, tila galit ang mga titig nya saakin.
"Ayun lang ba sasabihin mo? Sige mauuna na ako ha" Sabi ko sabay lakad.
pero kagaya ng kanina...
*Grab*
Hinawakan nya ulet ang braso ko para mapatigil ako, pero madiin na ang pagkakahawak nya dito. Tinignan ko sya at nakikita ko sa mga mata nya ang galit na tila gusto nya akong patayin.
"Hindi mo manlang ba sasagutin ang tanong ko para sayo? " Madiin na sabi nya saakin.
*GRIP!*
"A-Aray! Chris, nasasaktan ako"
"Sagutin mo muna ang tanong ko!"
"Gusto mo malaman? Hindi ! AYAW KO NA ! SAPAT NA ANG GINAWA MO SAAKIN NOON!"
Mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak nya saakin kaya hindi ako gaanong makagalaw.
"Ang tapang mo na ngayon ah? Dati isa ka lang maliit na lamok na madaling patayin. Akala ko makukuha ulit kita para paiyaki-"
*SLAP!!!*
Napalayo sya sa ginawa ko at nakita kong bumakat sa pisngi nya ang sampal ko sa kanya."Masakit ba?! Kulang payan sa ginawa mo saakin noon. Kung sa tingin mong isa akong marupok na babae kagaya ng iba dyaan para pagluran at paiyakin mo ulet, pwes nagkakamali ka dahil hindi na ako yung dating mahina noon!"
*Slap!!*
Binigyan ko ulet sya ng isa pang sampal sa kabilang pisngi at tila nawalan sya ng balanse sa ginawa kong iyon kaya bumagsak sya.
Napansin ng maraming tao ang ginawa ko sa kanya kaya nasaamin na ang atensyon ngayon. Agad nalang akong umalis para hindi na nila pagtinginan at pag chismisan.------------------------------------------------------------------------------------------
3rd Person's Point of View
Naka uwi na si Violet sa kanilang bahay.
"Oh, bakit ang aga mo ata umuwi?" sabi ng mommy nya, pero hindi sya pinansin ni Violet.
"Ayos ka lang ba? May sakit kaba kaya ka umuwi ng maaga?" Hahawakan na sana nya si Violet kung may lagnat ito, pero agad syang umakyat at nagsara ng pinto sa kanyang kwarto.
"Ano ang nangyare doon?" tanong ng asawa nya (Daddy)
"Ewan ko nga eh, bigla nalang syang umakyat sa kwarto nya" Sabi ng mommy ni Violet.
"Hayaan na muna natin sya sigruo"
Gusto nyo ba malaman kung ano ang nakaraan ni Violet kay Chris?
Flashback
College days ni Violet.Si Violet noon ay isang nerd at palagi syangbinubully ng mga estudyante nya dahil sa kulay ng balat nya. May lahing blackAmerican kasi si Violet dahil sa tatay nya. Madalas syang nilalait ng mga estudyante. Pero binabalewala nalang itoni Violet dahil ayaw na nyang patulan ang ganung tao. Martyr kasi si Violet atsobrang bait nyang tao.
Naglalakad sya ngayon papunta sa kanyang classroom.
"Oi, yung Nerd na babae oh! HAHAHA muka syang basura sa itsura nya"
"OO nga eh. Hindi ata naliligo yan."
"EWWWWW " sabi ng mga tao sa pligid nya.Niyuko nya nalang ang ulo nya at patuloy na naglalakad.
"At saan ka pupunta?" Hinarangan sya ng limang babae kaya napahinto sya sa paglalakad.
Ang namumuno sa grupong iyon ay si Patricia. Malaki ang galit nya kay Violet sa walang kwentang dahilan. Galit sya dito dahil hindi nya gusto ang mga kagaya ni Violet.
"Ang lakas din ng loob mong magpakita dito no?" sabi ni Patricia.
"OO nga eh, ang pangit naman. Akala mo kung sinong maganda na lakas na loob na pumasok dito kahit na matalino." Sabi ng kasama nya.
"Tama! Aanuhin mo ang katalinuhan kung wala kang kagandahan?" Sabi ng isa nya pang kasama.
"A-ano ba ang kailangan nyo?" Inosenteng tanong ni Violet.
"Wala! Wala kameng kailangan sayo! Ang gusto lang namin ay huwag na huwag kana mag papakita sa mga mata namin" sabi ni Patricia kay Violet.
"Eh kayo ang unang humarang saakin eh"
"Aah sumasagot kana?"
*GRIPPP!*
Sinabunutan ni Patricia si Violet at hinila nya ito na parang basahan.
"ARAY! TAMA NA! " Nakikiusap si Violet, pero hindi nakikinig si Patricia.
Dinala ni Patricia si Violet sa maraming estudyante at imbis na tulungan sya nito,
" HAHAHAHA tignan nyo oh! trippings nanaman ni Patricia yung mabahong babae dito saatin"
Sabi ng isang estudyante at nagtawanan pa sila.
Ang iba naman ay vinivideohan pa at ipopost sa social media.
" P-patricia....Tama na please" Umiiyak na sabi ni Violet.
" Sa tingin mo patatawarin kita sa pagsagot mo saakin ha?!!"
Dumating ang kasama ni Patricia na merong dalawang timba ng tubig at binuhos ito kay Violet.
"HAHAHAHAHHAHAHHAHAHAHHA" Nagtawanan ang mga estudyante dahil doon.
"ANO ANG KAGULUHAN ANG MERON DITO?!!!" Nagsitigil lahat ng dumating isang principal nila.
"Ms. Melendez!! (Last name ni Patricia) Ano nanaman ba ang kaguluhang ginagawa mo kay ms. Valir!?"
Yumuko nalang si Patricia sa sigaw ng principal.
Tinulungan ng teacher si Violet tumayo at napansin nyang madumi ang uniporme nito at mukang alam na nya ang dahilan base sa nakita nya.
"Ms. Melendez, In my office, now! " nag rolled eyes nalang si Patricia at pumunta sya sa principal office.
"Ayos ka lang ba, ms. Valir?" tanong ng principal kay Violet.
"Opo, ayos lang ako"
"Bibigyan kita ng extract damit ha? pagsasabihan ko si ms. Melendrez sa kanyang behavior"
Tumango nalang si Violet.
Next Chapter....
BINABASA MO ANG
Sapphire
FantasiNaranasan nyo naba mabigo, masaktan, at bumangon muli? Ganun din si Violet sa nakaraan nya, pero nagbago ang lahat nang mahawakan nya ang isang makapangyarihang bato mula sa kalawakan. Hindi nya alam na meron pala itong kapangyarihan. Ano kaya ang m...