3rd Person's Point of View.
Masaya ang naging araw ni Violet dahil nakapagcelebrate sila ng pamilya at pati narin ang maingay nyang kaibigan na si Miya.
Samantala...
*Grooowwwlllll *
Nasa siyudad na si reyna Debra at nakakaramdam sya ng gutom.
Reyna Debra's POVMaghapon akong naglalakad at mukang narating ko ang lugar kung saan maraming tao.
*Grooowwwlllll *
Nakakaramdam ako ng gutom. Hindi ko alam kung ano pwede kainin dito sa planetang ito. Kahapon pa ako hindi kumakain simula nung dumating ako dito. At uhaw na uhaw narin ang lalamunan ko.
Hindi ko nalang inintindi ito at nagpatuloy ako sa aking paglalakad. Habang ako'y naglalakad, napansin ko na masaya ang mga tao at yung ibang tao dahil may mga kasama sila.Naalala ko tuloy ang pamilya ko.... Sila Ina at Ama. Bago pa mangyari ang pagsalakay ng mga-
*Grooowwwlllll *Talagang kumukulo na ang sikmura ko.
Ano ba ang pwedeng makain dito sa planetang ito?
*Sniff! Sniff ! *Ang bango nun ah? Saang banda iyon at bigla akong natakam. Naglakad ako at sinundan ang mabangong naamoy ko at bigla akong napatigil ng makita ko ang isang maliit na parang tirahan na merong nakasulat sa taas. Hindi ko maintindihan ang nakasulat dahil iba ang mga letra saamin kumpara sa kanila.
Pumasok ako sa loob at napakaraming tao dito. Mas lalong lumakas ang pang - amoy ko at tila malapit lang ito, Pakiramdam ko'y andito to sa lugar na ito.Nakita ko nakapila ang mga tao. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit sila pumipila. Pumunta ako sa harapan para tignan kung ano ang dahilan na nangyayaring pila dito. Mas lalong lumakas ang amoy na naamoy ko kanina. Sa tingin ko ayun ata ang mga iyon.
( Credits : Google )
Napaka ganda tignan ng mga ito. Hindi ko namamalayan na nagtutulo na ang laway ko.
*Growl...*
Lalo akong nagutom nang tignan ko ang mga ito.
" Um...Ms ? "
Napatingin ako sa nagsalita.
" May gusto po ba kayo dito ? Kung may gusto po kayo sa mga ito, pwede po kayo pumila at bumili " Sabi nya ng nakangiti.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Pumila nalang ako at napansin ko na may nakatingin saakin. Tinignan ko kung sino iyon at nakita ko ang isang batang babae. Hindi ko alam kung bakit sya nakatingin saakin. Hindi ko nalang ito pinansin at pumila nalang.
*Growl....*
Kumukulo na ang tiyan ko. Pero bahala na.------------------------------------------------------------------------------------------
" Ano po ang order nyo ? " tanong nung lalaki.
" Ano po ibig sabihin ng order ? " Hindi ko alam ang lengwaheng iyan." Kung ano po gusto nyong cake. Pili lang po kayo " Kung ganun cake pala ang tawag sa mga ganun.
" Ano po ba ang magagawa ng cake na iyan? "
Nakita ko ang muka ng lalaki na parang nagtataka sya. May mali ba akong nasabi? Sana hindi nya alam na taga ibang planeta ako.
" Ang cake po ito'y isang matamis na pagkain na madalas kinakain sa mga okasyon. First time nyo lang po ba makakita nito ? "
Hindi ko alam ang ibig sabihin nya, pero tumango nalang ako.
" Kung ganun po, pili lang po kayo kung ano ang gusto nyo. Tiyak na hindi kayo magsisi dyaan " Sabi nya ng nakangiti.Um....ano ba ang pwede dito....Siguro yung nasa gitna nalang.
" Yung nasa gitna nalang "
"Ah sige po " May tinatype sya bigla.
" $321 po ang presyo ng cake na iyan. "
Hindi ko alam sinasabi ng lalaki at tinignan ko lang sya na nagtataka.
" May pera po ba kayong dala ? "
Pera pala ang ibig nyang sabihin. Hindi ako nakapagdala ng salapi bago ko naisipan na pumunta dito sa planetang ito. Masyado akong nagmadali dahil akala ko makukuha ko na ng ganun kadali ang batong hinahanap ko.
" Ms ? " Nagising ako sa pagkakatulala dahil sa tawag ng lalaki saakin.
" P-pwede ko nalang ba kunin iyan nang hindi binabayaran ? " Tanong ko.
"Ay hindi po pwede. Dahil magagalit po ang manager ko saakin kapag ginawa ko iyon. " Biglang kumulo ang dugo ko sa galit. Wala pang nilalang ang tumatanggi saakin. Lahat ng mga kagustuhan ko ay nabibigay.
Naalala ko ang sinabi ng aking alagad na walang kapangyarihan ang mga tao. Kaya sasamantalahin ko ang pagkakataon. Pasikreto kong ginamit ang kapangyarihan ko sa kamay ko para pasabugin ang ulo nitong kausap ko.
*Growl....*Nawala ako sa konsentrasyon kaya dahil tumunog ang sikmura ko sa gutom. Hindi ko na nagawa ang balak ko dahil doon.
" Ms, kukunin nyo pa po ba ang order ny- "
" HINDI NA !! " Naramdaman kong pinagtitingan ako ng mga tao. Mukang nakaagaw ako ng pansin.
Sa sobrang inis ko, lumabas na ako. Titiisin ko nalang siguro ang gutom ko hanggang sa mahanap ko na ang hinahanap ko. Pero hindi ko alam kung saan na ako pupunta at nahihilo na ako. Pakiramdam ko'y babagsak na ako.
* Tap *
Agad akong nakaramdam na parang may tumapik ng kamay ko. Baka kalaban....
Agad akong lumingon at aatakihin ko na sana ang tumapik sa kamay ko, pero hindi ko ito makita.
" Ito po oh " Napatingin ako sa baba at nakita ko ang isang batang babae na nakatingin saakin kanina habang tinitignan ko yung mga pagkain na tinatawag nilang cake.
May inaabot sya saakin at kinuha ko iyon. Tinignan ko ang loob non at...May kapirasong cake at parang inunim na kulay kayumanggi . Tinignan ko ang batang babae at ningitian nya lang ako.
" Mukang gutom na gutom na po kayo kaya nagpaalam po ako kay mommy na bibilhan ko nalang po kita ng cake. " Tila lumambot ang puso ko sa sinabi nya.
Lumuhod ako sa harap nya para mapantayan sya.
" B-bakit mo ako binbigyan nito ? "
" Ang turo po kasi nwi mommy saakin ay maging mabuti daw po sa mga tao. Kaya naisipan ko pong tulungan kayo dahil alam ko po ang pakiramdam na nagugutom "
Natuwa ako sa sinabi nya. Hinwakan ang ulo nya gamit ang kanang kamay ko.
" Maraming salamat dito sa kabutihang ginawa mo. Kapag nakabalik na ako sa kaharian ko, pagkakalooban kita ng kayamanan "
" Kaharian? Ano po ang ibig nyong sabihin ? "
" Isa akong reyna ng mga myriads at ang pangalan ko ay reyna Debra. Galing ako sa planetang myriad. "
" So ang ibig sabihin po ba ay isa kayong alien ? "
" P-parang ganun na nga. Ano nga pala ang pangalan mo ? "
" Ang pangalan ko naman po ay- "
" SHINA ! Nasaan kana? Uuwi na tayo "
" Tinatawag na po ako ng mommy ko. Paalam na po " Sabi nya at tumakbo paalis.
Naramdaman ko ang luha ko na tumulo habang pinapanood sya na umaalis. Hindi ko akalain na mabubuti rin pala ang mga tao na nakatira dito sa planetang ito. Naalala ko sa kanya ang aking kabataan, naalala ko ang aking mga magulang , at naalala ko rin ang araw na sinakop kame ng....asawa ko.Next Chapter...
BINABASA MO ANG
Sapphire
FantasyNaranasan nyo naba mabigo, masaktan, at bumangon muli? Ganun din si Violet sa nakaraan nya, pero nagbago ang lahat nang mahawakan nya ang isang makapangyarihang bato mula sa kalawakan. Hindi nya alam na meron pala itong kapangyarihan. Ano kaya ang m...