Chapter 20

1 0 0
                                    

Reyna Debra's POV

*WHACK! *

Walang silbi ang radar dito dahil hindi mahanapan ng signal kaya sinira ko nalang. Mukang kahit advance pa ang radar na ibigay saakin ng alagad ko, hindi talaga basta - basta magpapahuli ang bato dahil masyado itong binasbasan ni Silda. Pero d bale, kaya ko naman sigurong hanapin iyon dahil nasa mundo ako ng mga tao at wala naman silang kakayahang labanan ako.

Naglakad muna ako saglit at...sobrang lamig naman dito sa mundong ito.  Nakalimutan kong dalhin yung damit ko na pang kontra sa lamig.

Lumingon - lingon muna ako baka may mahanap ako at.....ayun!!!

May nakita akong maliit na tirahan at merong mga sakasampay na damit. Mukang pwede kong kunin iyon.

Agad akong pumunta sa lugar na iyon.

Pagpunta ko, tinignan ko ang mga damit at pinili ko ang kulay pula. Hinawakan ko ang damit na ito at mukang makapal. Pwede ito pang tapat sa lamig.

* Creak ! *

May narinig akong tunog na parang may nagbukas ng pinto kaya agad ako nagtago sa gilid. Nakita ko ang isang tao at muka syang lalaki. Mataba na kita ang kanyang tiyan at meron syang hawak na iniinom nya.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!!!" 

*PLOK ! *

Binasag nya yung iniinom nya pagkatapos nyang sumigaw. Ganito kaya ang mga lalaki dito sa mundong earth?

*VOMIT *

Nagsuka pa sya pagkatapos non. Lason ba ang ininom nya kung bakit sya nagkakaganyan?

* Thud ! * 

"SINO ANG NANDYAAN?! " Mukang may nasagi ata ako at narinig nya.

"May tao ba dyan?! " Hindi ako sumagot.

Pero nararamdaman kong paparating sya dito.

Nang makarating sya nakita nya ako na parang nagulat at nakita ko na hawak nya ang maliit nyang spada ( A/N: Kutsilyo )

"Ohoy! Hindi ko inaasahang may i-isang magandang babae dito saaking bakuran " Sabi nya ng nakangiti.

"Ano pala ang pangalan mo ms? Bakit ganyan ang suot mo? At bakit ka nasa bakuran ko? "

"Ako si reyna Debra, reyna ng mga myriads, galing sa planetang myriad. At balak ko sanang kunin ang damit na nakasabit doon " Turo ko sa damit.

"Fwehehehe. Pwede mo namang kunin iyon, pero may bayad nga lang " 

*Grab ! * 

"Kailangan mo ako halikan " Sabi nya habang nakangiti at nakahawak sa balikat ko.

Agad kong winasiwas ang kamay nya sa balikat ko.

"Hindi mo ba alam na kabastusan para sa isang reyna na kagaya ko ang paghawak mo saaking balikat? "

"Aba, lumalaban ka ah. Kung ganun, papatayin nalang kita !! "  Nakita ko ang hawak nyang maliit na sandata na balak nyang isaksak saakin kaya...

*Grab ! *

Hinawakan ko ang ulo nya at ginamit ko ang kapangyarihan ko. Napatigil sya sa pag galaw at pa onti - onting nalulusaw ang mga balat at laman nya.

"WHA! Ano ang ginawa m - mo--- SAAAKIN!!!! " 

At tuluyan na sya naging buto. Mukang tama ang sabi ng mga alagad ko, mahihina ang mga tao. Tsk !

Parang lasing yung lalaking iyon kung gumalaw. May alak din siguro dito sa planetang ito.

Hindi na ako nag paligoy - ligoy pa at kinuha ko ang damit na pangtapat sa lami at agad kong isinuot iyon. Wala dapat ako sayangin na oras dito sa planetang ito.

Sinuot ko na ang damit na kinuha ko at lumipad para hanapin ang hinahanap ko.

Violet's POV

( Kinabukasan... )


" Violet, maraming salamat talaga sa ginawa mo ah? Nagkaroon lang tuloy ako ng utang sayo "

"Nako po, ms. Jung, wala po iyon hehe. Naka ugalian ko lang po talaga tumulong dahil ayun po ang turo saakin ng mga magulang ko. "

" Dahil sa ginawa mo, bibigyan kita ng bonus sa sahod mo this week 😊 "

"Talaga po? Marami pong salamat. "

"O sige, balik na kayong lahat sa trabaho dahil may mga customer pa tayong darating. "

Nagsimula na kaming bumalik saaming trabaho. Nabalita sa television ang aking ginawang pagpigil sa lalaki, pero hindi naman na report ang nangyari kung papaano nahimatay ang lalaki. Sinabi lang nila na baka daw nahulog iyon sa malaking pader na balak nyang akyatan, pero iniimbistagahan padin daw nila ang nangyari. Sana hindi malaman na ako may 
gawa non (┬┬﹏┬┬)

------------------------------------------------------------------------------------------

Ilang oras ang lumipas, natapos rin ang aking trabaho. Puno ang customer ngayon at nag hired nga pala si ms. Jung ng security guard. Para kung sakaling meron ulit na mangyari kagaya kahapon, pwede nya ito gawan agad ng action.

Andito na nga pala ako sa bahay at nakahiga dahil sa pagod. Nakalimutan kong tanggalin ang aking wig kaya agad ko ito tinanggal at nilapag sa sahig.  Minsan may pagkaburara din kasi ako. Hanggang ngayon napapaisip ako kung ano paba ang kapangyarihang meron ako?

Una yung, super scream na nagawa ko sa mga lalaki. Pangalawa, super strength.   At ang pangatlo naman, yung invisibility ko.

Ano pa kaya ang meron ako?

Sinubukan kong isipin kung ano pang kapangyarihang meron ako, pero walang pumapasok sa utak ko.


Gusto ko mag cellphone , pero ang layo dahil nasa lamesa ko iyon.  Tinatamad pa naman akong tumayo.

*Stretch !*

*Stretch !*

Hindi ko talaga sya abot 😭

Sana kaya kong palutangin ang mga bagay at kaya ko itong controllin.

.....

.....

.....

.....

ಠ_ಠ

3rd Person's Point of View

Napaisip bigla si Violet sa kanyang nasabi. Tila nagkaroon sya ng idea, pero hindi sya sigurado sa gagawin nya. Pero susubukan nya ito. Huminga sya ng malalim at ihinanda ang kamay nya. Sinubukan nyang pagalawin ang cellphone nya sa lamesa, pero hindi ito gumalaw. Sinubukan nya ito ng ilang beses, pero ganun padin ang resulta.

*Huff...huff....huff.. *

Hiningal si Violet at tila nakaramdam sya ng pagod sa ginagawa nya. Naisip nyang huminga ng malalim at pumikit para makapag concentrate sya. Sinubukan nya ulit ito pagalawin at...Nakaramdam sya na parang hawak nya ang cellphone nya kahit nasa malayo sya. Pagdilat nya, nakita nya na medyo umangat ang cellphone nya. Nakita nya sa mga kamay nya na parang may kapangyarihang lumalabas mula rito para kontrollin ang bagay na gusto nya makuha. Nawala ang concentration nya dahil sa tuwa kaya nahulog ang cellphone nya. Agad naman din nya itong nasalo at nilapit nya ito sa kanya.

Violet's POV

Yes! Ang galing ko! Hindi ko inaasahan ang na gagana ang ganung paraan. Pwede ko na pala makuha ang mga gamit na gusto ko kunin kahit na hindi ako tumayo.

" Mukang natuwa ka ata sa natukalasan mong bagong abilidad " rinig ko ang pamilyar na boses sa likod at andoon si reyna Silda. 

"Mahal na reyna, andyaan po pala kayo. Kanina pa po kayo andyaan? "

"Oo, hindi lang ako nagpapakita. Pero madalas kita sinusubaybayan "

" Ibig sabihin, kaya nyo rin po mag laho kagaya ko? "

" Oo, kaya ko ang mga ginagawa mo, pero hindi lahat dahil mas malakas ang kapangyarihan ng bato kesa saakin. At nagpakita ako dahil may maliit na mensahe akong ipaparating sayo "

"Ano po yun ? "

"Nasa planeta na ang kalaban na balak kumuha ng kapangyarihan mo. Kaya mag handa ka. "

At doon na sya nag laho.

Papaano naman kaya nalaman ng kalaban ang planeta ko?

Next Chapter.....

SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon