Chapter 7

1 0 0
                                    

Violet's POV

Flashback part 3

Lumipas ang anim na buwan...

Anim na buwan ng nakalilipas, ang lamig padin saakin ni Chris. Hindi ko alam kung bakit sya biglang nag ganyan saakin. Wala naman akong ginawang masama at ayaw nya rin sabihin saakin ang dahilan kung bakit sya nagkakaganyan saakin. Sinasabi nya lang na masama lang daw ang pakiramdam nya, pero parang nakakapagtaka naman ata yun dahil sobrang tagal naman? Binalewala ko nalang ang mga ito dahil ayokong masira ang relasyon namin.

Tinignan ko nalang ang picture namin ni Chris. Tuwing tinitignan ko ito, napapangiti ako dahil naalala ko ang masasayang alala namin noong hindi pa sya nanlalamig saakin. Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako. Sana bumalik na sya sa dati dahil miss na miss ko na sya.

"Anak? "  agad kong pinunasan ang luha ko nang marinig ko ang boses ni daddy.

"Oi Dad ! ikaw pala " Nakangiti kong sabi, pero pilit.

Tinignan ako ni dad ng maigi at parang minamasdan nya maigi ang mata ko kaya napalayo nalang ako ng tingin.

"Anak, umiiyak kaba? "

"Ako po? hindi. "

"si Chris nanaman ba ang dahilan kung bakit ka malungkot? "

Hindi nalang ako sumagot dahil mukang alam naman nya din.

Mukang kabisado na talaga ni dad ang nangyayari saakin. Para sa mga hindi nakakaaalam, pinakilala ko si Chris kay dad noong 1st monthsary namin. Napapansin ko kay dad na parang hindi nya tanggap ang boyfriend ko dahil parang nayayabangan sya dito. Pero pinilit nadin ni dad na tanggapin sya para saakin. Ganun nadin si mom. Kung tatanungin nyo kung napakilala naba ako ni Chris sa magulang nya.....Ang madalas nya lang sinasabi ay BUSY daw sila. Gusto ko sana pagdudahan ang boyfriend ko, pero ayaw ko gawin iyon dahil may tiwala ako sa kanya.

" Anak, gusto mo ba kausapin ko sya? "

"Nako hindi na po ! " 

"Bakit naman ? Kakausapin ko lang naman sya "

"Huwag na po, Daddy. Busy lang po yung tao"

"Busy saan?" 

"Sa.....w-work. OPO SA WORK NYA " pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung ayun ba talaga ang pinagkakaabalahan nya ngayon.

"O sige sabi mo ha? " 

Tumango ako.

"O sya, mauuna na ako ha? " Tumayo sya at naglakad palabas ng pinto.


"Oo nga pala.." Napatigil sya bigla sa paglalakad nya.

"Bakit hindi ka muna lumabas kahit saglit? Wala naman sigurong masama kung i eenjoy mo muna ang sarili mo dba?  Hayaan mo muna ang boyfriend mo ngayon. " Sabi ni Daddy at tyaka sya tuluyang umalis. 

Sa tingin ko nga tama ang sinabi ni dad.  Napansin kong matagal nadin akong nakakulong dito saaking kwarto kakaantay sa message ni Chris. Ni hindi na nga ako makakain ng maayos dahil sa lungkot.

------------------------------------------------------------------------------------------

Andito ako ngayon sa mall. Naisip ko na baka lumipas ang lungkot ko kapag nag shopping muna ako kahit ngayon lang. Bumili muna ako ng mga damit na sa tingin ko'y maganda para saakin. Pagkatapos non, naglakad-lakad muna ako saglit.

Nakita ko ang poster ng Dr.Strange in the Multiverse of Madness. Malapit na pala ipabalas to. Sana kasama ko si Chris manood nito. Favorite ko kasi si Scarlet Witch kaya medyo naeexcite din ako. 

*GROOWWWLLl*

Narinig kong tumunog ang tiyan ko. Naispan ko nalang bumili ng pagkain.

------------------------------------------------------------------------------------------

Nakapila ako ngayon para bumili ng aking makakain. Tumingin-tingin muna ako sa paligid at nakikita kong masaya ang mga tao. Yung iba nagbobonding ang pamilya nila, yung iba kasama mga magulang nila, at ang iba naman ay kasama ang partner nila.

Sana kasama ko din ang akin.

"Mam, ano po order nyo? " 

Nagising ako sa aking imahination. Nasa harapan na pala ako.

"um....Chicken wings nalang." 

"Okeh "


Ilang minuto ang lumipas, nakuha ko na ang order ko. Ito nga pala ang itsura ng pagkain ko ngayon.

 Ito nga pala ang itsura ng pagkain ko ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon